Publiko, binalaan ng Radio Veritas sa mga humihingi ng donasyon gamit ang himpilan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 858 total reads

Nagbabala ang pamunuan ng Radio Veritas 846 sa publiko laban sa mga indibidwal na umiikot at nag-aalok ng serbisyo kapalit ang pera gamit ang pangalan ng himpilan.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng himpilan, dapat maingat ang mamamayan upang makaiwas sa panloloko at ugaliing tiyakin na lehetimo ang anumang transaksyong gagawin.

“Kami po sa Radyo Veritas ay nagbabala sa ating mga kapanalig tungkol sa mga masasamang loob na naglilibot ngayon at sa kasamaang palad ay ginagamit ang pangalan ng ating himpilan upang makapangloko at makakuha ng pera sa kapwa; Mag-ingat po kayo sa kanila,” pahayag ni Fr. Bellen.

Ang pahayag ng opisyal ay kasunod ng social media post ni Bea Jorda ng Quezon City kung saan nag-post ito ng larawan ng dalawang inidbidwal na umiikot sa kanilang lugar at nag-aalok ng healing service mula sa Radio Veritas. Sinabi ni Jorda na nakapagbigay ang kanilang pamilya ng dalawang libong piso habang isang nagngangalang Maricel Rosario Malate naman ang nakapag-abot ng isanlibong piso sa dalawang manloloko. Ikinalungkot ng pamunuan ng Radio Veritas na may mga taong nanamantala sa gitna ng krisis dulot ng coronavirus pandemic.

“Nakakalungkot na marinig at malaman na kahit sa panahon ng pandemya na maraming tao ang nahihirapan ay may mga taong nagsasamantala sa kanilang kapwa lalo na doon sa talagang nangangailangan ng tulong at pag galing,” dagdag pa ni Fr. Bellen.

Hiling ni Fr. Bellen sa publiko na agad ipagbigay alam sa himpilan o sa mga otoridad ang ganitong uri ng panloloko upang matigil ang masamang gawain.

“Mga Kapanalig, mangyaring ipagbibigay alam sa mga kinauukulan kung sila po ay inyong makilala upang mapigilan sa kanilang masamang gawain,” ani ng pari. Sa mga nais magpaabot ng kanilang intensyon para sa healing mass ng himpilan mangyaring tumawag sa 8925-7931 local 129 o magtext sa 0917-631-4589 at hanapin si Renee Jose para sa lehetimong transaksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 91,587 total reads

 91,587 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 168,820 total reads

 168,820 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,268 total reads

 202,268 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 237,567 total reads

 237,567 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 460,523 total reads

 460,523 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top