500YOC, ipagdiriwang sa Middle East sa ika-16 ng Abril 2021

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Ipagdiriwang ng mga Pilipino sa Middle East ang 500 Years of Christianity. Ayon kay Fr. Troy De Los Santos, OFM Cap., ang Vicar General ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia,mahalagang ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya lalo’t ang mga Pilipinong migrante ay maituturing na tagapagpalaganap ng kristiyinismo sa mga bansang pinaglilingkuran.

“Kami bilang manggagawa sa ibayong dagat ay may tungkuling ibahagi sa daigdig ang biyaya ng pananampalataya na tinanggap; we give our yes to mission,” mensahe ni Fr. De Los Santos sa Radio Veritas.

Tiniyak ng opisyal ng AVOSA na kaisa ang mga Pilipino sa United Arab Emirates sa pasasalamat sa Panginoon sa kaloob na kristiyanismo sa bansa.

“Nag-uumapaw ang aming puso sa kasiyahang dulot ng pagdiriwang na ito, nagpapasalamat sa Diyos sa kaloob na biyaya ng pananampalataya; Ang Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi ay nakikiisa sa Pilipinas sa pagdiriwang ng ikalimang daang taon ng kristiyanismo,” ani Fr. De Los Santos.

Ayon naman kay Rommel Pangilinan, social media director ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi Facebook page at coordinator ng 500YOC sa Abu Dhabi, ilulunsad ang 500YOC sa lugar sa Abril 16, 2021, sa ikatlong Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Pangungunahan ni Fr. De Los Santos ang Banal na Misa alas dose ng tanghali sa UAE habang alas kuwatro ng hapon naman sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangilinan na hindi naging hadlang ang mga limitasyong dulot ng pandemya sa pagdiriwang at pasasalamat sa Panginoon sa biyaya ng pananampalataya. Nitong Pebrero sinimulan ang paghahanda sa Abu Dhabi ng selebrasyon kung saan gumawa rin ito ng mga 500YOC memorabilia tulad ng t-shirt at pamamahagi ng mission cross mula sa Manila Cathedral.

Sa kabuuan apat na parokya sa Abu Dhabi ang makikilahok sa pagdiriwang ang St. Joseph’s Cathedral, St. Paul’s Church Musaffah, St. John the Baptist Church Ruwais, at St. Mary’s Church Al Ain. Matutunghayan ang pagdiriwang sa opisyal FB Page ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,088 total reads

 37,088 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,359 total reads

 68,359 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,950 total reads

 145,950 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,178 total reads

 240,178 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,279 total reads

 299,279 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top