Sigarilyo at VAPE, nakakaapekto sa pag-iisip ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,001 total reads

Nakakaapekto sa kalusugang pangkaisipan ng tao ang sobrang paggamit ng sigarilyo at electronic cigarettes (e-cigarettes) o vape.

Ito ang binigyan-diin ni Atty. Benedict Nisperos, Legal Consultant ng Health Justice Philippines. Ayon kay Nisperos,ang nikotina na nagmumula sa mga ganitong uri ng produkto ay isang highly addictive product na nag-uudyok sa isang tao na lalo pang gumamit nito.

“Ang mga produktong ito ay mayroong nikotina na highly addictive products. So, kapag in-inhale mo ito o nagamit ng iyong katawan, nagiging addicted ‘yung katawan at naaapektuhan kung paano magrespond lalung-lalo na’yung ating mental capacity,” pahayag ni Nisperos sa panayam sa programang Barangay Simbayanan.

Ipinaliwanag ng abugado na ang mga nasa edad 25 pababa ay nakararanas pa rin ng brain development kung kaya’t ang paninigarilyo o ang paggamit ng vape ay hindi naaangkop sa mga kabataan.

“Kaya naman ayaw na ayaw natin na ang produktong ito [ay] maging accessible sa mga kabataan kasi below 25 years old, may brain development pa rin na tinatawag na kung papasukan mo ng nikotina, maaapektuhan po ang mga pag-iisip ng ating mga kabataan,” ayon kay Atty. Nisperos.

Batay sa pag-aaral ng World Health Organization, sa kasalukuyan, ang labis na paninigarilyo ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng COVID-19 na ang direktang tinatamaan ay ang baga ng tao. Samantala, nauna nang nanawagan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na talikuran na ang paninigarilyo na bukod sa ito’y pangunahin ring dahilan ng iba pang sakit tulad ng Throat at Lung Cancer ay nagdudulot din ito ng hindi magandang epekto sa kalikasan.

Inihalintulad naman ng Kanyang Kabanalan Francisco na bagong uri ng pang-aalipin ang pagkagumon o pagkalulong na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,115 total reads

 37,115 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,386 total reads

 68,386 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,976 total reads

 145,976 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,204 total reads

 240,204 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,303 total reads

 299,303 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 72,678 total reads

 72,678 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top