Mga bayaning Filipino, nahaharap sa digmaan kontra COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Naniniwala ang Obispo ng Diocese of Balanga, Bataan na tulad ng naganap 79-aon na ang nakakalipas ay muling humaharap ang mga Filipino sa isang digmaan sa kasalukuyang panahon.

Ito ang pagninilay ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa ika-79 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan sa gitna ng pandemya.

Ayon sa Obispo, pambihira ang kinahaharap na digmaan sa ngayon ng lahat laban sa Coronavirus Disease 2019 na isang kalabang bagamat hindi nakikita ay malawak naman ang naidudulot na krisis sa buhay ng bawat isa.



Ayon kay Bishop Santos, sa gitna ng patuloy na pakikipagdigma ng lahat laban sa COVID-19 pandemic ay marapat ding tularan at gawing huwaram ang katatagan, katapangan at kagitingan ng mga bayani ng bansa na ipinagtanggol at ipinaglaban ang kalayaan at karapatan na tinatamasa natin sa kasalukuyang panahon.

“What they experienced 79 years ago is happening now. We are at war against Covid19 pandemic. Our unseen enemy is coronavirus. But this time we will not fall. We will defeat Covid19 pandemic. Let us put into practice the resiliency, the courage and sacrifices of those who defended our freedom, our rights.” pahayag ni Bishop Santos sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinagdarasal ng Obispo na tulad ng mga magigiting na bayani noong World War 2 ay magkaisa at magtulungan ang lahat para sa kapakanan at kabutihan ng kapwa.



Inihayag ng Obispo na bukod sa pagtutulungan ay mahalaga rin ang pagsunod sa mga payo at ipinatutupad na panuntunan ng mga eksperto at mga nangangasiwa sa pagtiyak ng kaligtasan ng lahat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus.

“Like them let us be one and united, committed and collaborative for everyone’s welfare. Helping one another in this Covid19 and obeying the IATF protocols we become heroes to all.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Ang ika-79 na taong paggunita sa Araw ng Kagitingan ay pag-alala sa kabayanihan ng mga Filipino laban sa pananakop ng mga dayuhang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,324 total reads

 93,324 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,487 total reads

 170,487 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,935 total reads

 203,935 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,234 total reads

 239,234 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,128 total reads

 462,128 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top