PGH Chaplain, nagbabala laban sa Ivermectin vaccine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total reads

Huwag basta-bastang magtitiwala sa mga gamot kapag hindi inire-reseta ng doktor.

Ito ang payo ni Jesuit Priest Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng Philippine General Hospital hinggil sa paggamit ng Ivermectin na gamot para sa mga hayop at sinasabing epektibong lunas laban sa coronavirus disease.

Ayon kay Fr. Ocon, sa ngayon ay hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration ang nasabing gamot kaya hindi pa matiyak ang talagang naidudulot na bisa nito sa katawan ng tao lalo na sa mga nahawaan ng COVID-19.

“Huwag na lang tayong gumamit kung hindi binibigay ng doktor. Kung mayroong mang binibigay ang doktor sa ngayon, hindi pa iyan aprubado ng ating FDA na pwedeng gamitin sa tao dahil ayon sa kanila ay ginagamit yan sa mga hayop,” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Paalala naman ng pari na sakaling i-reseta ng eksperto ay tiyakin muna kung mayroong kondisyon na kailangang gawin o kung ito’y bahagi ng clinical trial bilang pagsusuri upang malaman ang epekto nito sa katawan ng tao.

Paliwanag pa ni Fr. Ocon na ang clinical trial ay nakakatulong upang malikha ng mga siyentipiko ang gamot na maaaring maging lunas sa nakakahawa at nakamamatay na sakit.

“Kung ibinibigay man siya ngayon, sana hindi rin tayo basta-basta tumatanggap na kung sino-sino lang ang nagbibigay. Kundi itanong pa rin sa ating mga doktor para sigurado tayo na kung gagamitin natin, at least mayroon man lang tayong kasulatan na ginamit ito bilang part sa trial at naging bahagi rin tayo sa pag-aaral,” paalala ng pari.

Samantala, pinahintulutan na ng FDA ang “compassionate use permit” para sa nasabing anti-parasitic drug.

Ang compassionate use permit ay pinapahintulutan lamang ang legal na pangangasiwa ng gamot sa bansa ngunit hindi suportado ng FDA ang kaligtasan at pagiging epektibo nito.

Karamihan sa mga mambabatas at ibang doktor sa bansa ay hinihikayat ang paggamit ng Ivermectin sa mga pasyente na mayroong COVID-19.

Ngunit, patuloy namang ipinapaalala ng ahensya na dapat muna itong irehistro bago ito tuluyang ipagamit at ireseta sa mga tao.

Batay sa pahayag at pagsusuri ng Merck, ang pharmaceutical company na lumikha ng Ivermectin, na wala itong siyentipikong batayan upang sabihing mabisa ang nasabing gamot bilang lunas sa COVID-19.

Naniniwala rin ang Department of Health na kailangan pa itong isailalim sa masusing pag-aaral upang matiyak na ito’y ligtas na gamitin at epektibong panlaban sa nakahahawang sakit.

Nauna nang sinabi ni CBCP-Health Care Ministry Vice Chairman at Military Bishop Oscar Jaime Florencio na mas makabubuting paigtingin muna ng pamahalaan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 habang patuloy na pinag-aaralan ang nilalaman ng Ivermectin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 35,075 total reads

 35,075 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 132,970 total reads

 132,970 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 177,239 total reads

 177,239 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 200,348 total reads

 200,348 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 273,851 total reads

 273,851 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,204 total reads

 145,204 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top