CBCP, humiling ng panalangin sa kagalingan ng mga kawani ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 777 total reads

Humiling ng panalangin si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa agarang paggaling at kaligtasan ng mga kawani ng Radio Veritas.

Dalangin ng obispo ang maayos na kalagayan ng mga kawani makaraang ilan dito ang nagpositibo sa coronavirus. “Ako po ay nakikiisa sa Radio Veritas at humingi ng panalangin sa mga Kapanalig natin, ipagdasal po natin ang mga nagtatrabaho sa Radio Veritas na iyong mga nagkasakit ay gumaling na at hindi lumala ang kanilang nararamdaman,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng tagapangasiwa ng arkidiyosesis ay kasunod ng pagpapatupad ng pansamantalang lockdown sa main studio ng himpilan sa Quezon City makaraang magpositibo ang mahigit sampung kawani ng himpilan.

Hinangaan din ni Bishop Pabillo ang katatagan ng mga naglilingkod sa Radyo ng Simbahan sapagkat nagpapatuloy ito sa pagsasahimpapawid ng mga programa lalo’t higit ang Banal na Misa sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap.

“Ako po ay nagpapasalamat sa Radio Veritas na nagpapatuloy pa rin ang kanilang serbisyo sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon,” ani Bishop Pabillo. Samantala, nagpaabot din ng panalangin si CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles para sa kagalingan ng mga kawaning nagpositibo sa virus at pinaalalahanang maging maingat at sundin ang mga safety measures upang maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit. “My prayers for healing and safety of your colleagues in Radio Veritas. Ingat kayo lagi and follow safety protocol,” pahayag ni Archbishop Valles.

Pinaigting naman ng himpilan ang isinagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibong empleyado gayundin ang pagsasailalim sa swab testing ng iba pang kawani.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 33,399 total reads

 33,399 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 131,348 total reads

 131,348 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 175,617 total reads

 175,617 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 198,726 total reads

 198,726 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 272,304 total reads

 272,304 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top