Pagkilala ng pamahalaan sa Basilica Minore del Santo Nino de Cebu bilang national treasure, pinuri ng Agustinian missionaries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 770 total reads

Ikinalugod ng mga Agustinong misyonero ang pagkilala ng pamahalaan sa Basilica Minore Del Santo Niño De Cebu bilang National Culture Treasure. Sa panayam ng Radio Veritas, inihayag ng tagapagsalita ng basilica na si Fr. Ric Anthony Reyes, OSA, na malaking karangalan na mapabilang ang simbahan sa mahahalagang gusali ng bansa. Paliwanag ng pari na nakatutulong ito upang magkaroon ng pagtutulungan ang pamahalaan at simbahan sa pangangalaga at pananatili ng istruktura ng basilica.

“This is for the betterment of the church, may connections tayo sa government regarding preservations magtutulungan tayo sa mga pangyayaring makakaapekto sa simbahan,” bahagi ng pahayag ni Fr.Reyes sa himpilan.

Nilinaw ng pari na hindi kabilang ang imahe ng Santo Nino sa idineklarang National Culture Treasure taliwas sa naunang mga ulat kundi bukod tanging ang simbahan lamang at kumbento ng basilica at ang Magellan’s Cross Pavillon. Ipinaliwanag ni Fr. Reyes na tatalakayin ng Augustinian community sa National Museum of the Philippines ang kahalagahan ng imahe ng batang Hesus na higit pa sa cultural treasure sapagkat ito ay sumasagisag sa malalim na pananampalataya ng mamamayan sa Panginoon. Nais ng mga Agustinong misyonero na mananatili sa kanilang pangangalaga ang imahe ng Santo Nino na unang ipinagkaloob ng mga Espanyol.

Matatandaang noong Abril 14, 2021 kasabay ng paggunita sa 500 Years of Christianity ng bansa ay pormal na idineklara ng National Museum of the Philippines ang dalawang istruktura ng basilica bilang kabilang sa mga pinahahalagahang gusali ng bansa batay sa Museum Resolution No. 55-2020 ng institusyon. Naniniwala si Fr. Reyes na sa pamamagitan nito ay higit pang mapalago ng bawat deboto ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon at pagbabalik tanaw sa mayamang kultura ng bansa.

“It will help deepen the devotion and witnessing of the people and along with it is the education also or in the church it is called catechism,” ani Fr. Reyes. Samantala sinaksihan naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang deklarasyon kasama sina Cebu Archbishop Jose Palma at ilan pang opisyal ng simbahang katolika sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 21,535 total reads

 21,535 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 52,807 total reads

 52,807 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 131,421 total reads

 131,421 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 225,647 total reads

 225,647 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 285,487 total reads

 285,487 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top