OFW’s sa UAE, pinuri ng AVOSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 676 total reads

Nakiisa ang Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) sa pagdiriwang ng Pilipinas ng 500 Yeas of Christianity. Sa mensahe ni Bishop Paul Hinder pinasalamatan nito ang mga Filipino migrant’s sa Middle East sa patuloy na pagpapalaganap ng misyon katuwang ng simbahang katolika.

“I congratulate you for 500 Years of Christianity in your home country, I thank you for your tireless faith, hope and love; may you continue to spread the word of God,” mensahe ni Bishop Hinder.

Matatandaang inilunsad ng mga Pilipino sa United Arab Emirates ang 500YoC noong Abril 16, 2021 sa pangunguna ni Filipino Capuchin priest Fr. Troy Delos Santos ang Vicar General ng (AVOSA).

Ayon kay Rommel Pangilinan ang 500YoC coordinator ng UAE ito ay pagpapakita na buhay ang pananampalatayang kristiyano kahit sa ibayong dagat kung saan naroon ang mga Overseas Filipino Workers.

Sa mensahe naman ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelizations of People sa mga Pilipino sa UAE, hinimok nito ang bawat isa na muling pag-alabin ang pagbabahagi ng kaloob na pananampalataya lalo na sa mga kasalukuyang komunidad na kinabibilangan.

“This is a time to recommit ourselves to the gift of faith, to receive Jesus again and remember that the gift that we have receive should not be kept in ourselves, we should share the gift,” mensahe ni Cardinal Tagle.

Pebrero nang magsimula ang paghahanda ng mga Pilipino sa UAE para sa malaking pagdiriwang ng pananampalatayang kristiyano ng Pilipinas kung saan napanood sa official Facebook page na Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi ang mga pagdiriwang.

Ibinahagi ni Pangilinan sa Radio Veritas na 500 katao ang dumalo sa paglunsad ng 500YoC sa St. Joseph’s Cathedral habang libu-libo naman ang umantabay sa livestream.

Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs humigit kumulang sa 800-libo ang bilang ng mga Pilipino sa Middle East na karamihan ay mga kristiyano

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 42,057 total reads

 42,057 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 139,497 total reads

 139,497 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 183,766 total reads

 183,766 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 206,875 total reads

 206,875 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 280,162 total reads

 280,162 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top