SVD at Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro, nagluluksa sa pagpanaw ni Bishop Palang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 971 total views

Pumanaw na si Apostolic Vicariate of San Jose, Occidental Mindoro Bishop Antonio Palang nitong Abril 21, 2021. Batay sa social media post ng SVD Philippines, nasawi sa cardiac arrest ang 74 na taong gulang na obispo umaga ng Miyerkules.

Matatandaang Marso 2018 nang tanggapin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagbitiw ni Bishop Palang bilang pinunong pastol ng bikaryato sa edad na 71 taong gulang o apat na taon bago maabot ang mandatory retirement age ng mga obispo na 75 taong gulang.

Si Bishop Palang na ipinanganak noong Hunyo 13, 1946 sa Consolacion Cebu ay inordinahang pari sa ilalim ng Society of the Divine Word noong Hulyo 8, 1972.

Hunyo 2000 nang italaga si Bishop Palang ni Pope John Paul II bilang paring tagapangasiwa ng Apostolic Vicariate ng San Jose sa Mindoro kasunod ng pagliban ni Bishop Vicente Manuel hanggang tuluyan na itong magbitiw noong Oktubre 2000.

Marso 2002 nang pormal na itinalagang obispo sa bikaryato habang Mayo 31, 2002 inordinahan at opisyal na iniluklok bilang bagong obispo ng Occidental Mindoro. Nang magbitiw noong 2018 muli namang itinalaga ni Pope Francis si Ilagan Bishop David William Antonio bilang obispong tagapangasiwa sa Apostolic Vicariate ng San Jose.

Sa kasalukuyan lima pa ang nanatiling sede vacante sa bansa ang Arkidiyosesis ng Capiz, Diyosesis ng Alaminos at Malaybalay at ang Apostolic Vicariate ng San Jose sa Mindoro at Taytay sa Palawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 53,590 total views

 53,590 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 178,001 total views

 178,001 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 220,127 total views

 220,127 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 297,609 total views

 297,609 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top