Mamamayan, binalaan ni Cardinal Advincula sa kumakalat na pekeng solicitation letter

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 891 total reads

Nagbabala si Archdiocese of Manila Archbishop-elect Jose Cardinal Advincula sa publiko kaugnay sa umiikot na pekeng solicitation letter mula sa Arkidiyosesis ng Capiz.

Batay sa nilalaman ng sulat, humihingi ito ng donasyon para sa installation ng Cardinal bilang bagong arsobispo ng Maynila.

Ayon kay Cardinal Advincula, wala itong batayan at malinaw na panloloko at pananamantala ang interes ng mga nasa likod ng naturang solicitation scam.

“This is Cardinal Advincula, I wish to notify the public that the letter bearing the signatures of a certain Fr. Allan Supilanas, Chancellor and of Bishop Pabillo soliciting donations for my installation as Archbishop of Manila is FAKE,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Ayon sa pamunuan ng Manila Cathedral at Archdiocese of Manila, hindi ito humihingi ng anumang donasyon para sa pagtatalaga ng bagong arsobispo.

Pinabulaanan din ni Cardinal Advincula na hindi sakop ng arkidiyosesis ang signatory sa scam solicitation.

“Capiz has no priest surnamed SUPILANAS,” ani ng Cardinal.

Hindi pa rin tiyak ang petsa ng pagtatalaga ng bagong arsobispo taliwas sa nakasaad sa sulat na Mayo 13, kasabay ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Muling paalala ng simbahang katolika sa mananampalataya na maging maingat at mapanuri lalo na sa mga online solicitation letter na natatanggap upang makaiwas sa panloloko.

Pinayuhan ng mga lider ng simbahan sng mamamayan na ugaliing kumpirmahin ang anumang sulat na matatanggap lalo na kung humihingi ng tulong pinansyal gamit ang pangalan ng simbahan o mga lingkod ng simbahan.

Pinakahuling biktima ng online scam ang paggamit sa pangalan ni Cardinal Luis Antonio Tagle para aniya sa pagpapagamot ng Cardinal.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 36,046 total reads

 36,046 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 75,220 total reads

 75,220 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 195,798 total reads

 195,798 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 246,156 total reads

 246,156 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 372,627 total reads

 372,627 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top