500 bata, bibinyagan sa Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,176 total reads

Inihayag ng isang opisyal ng simbahan na ang pagtanggap ng sakramento ng binyag ay paalala ng pagiging misyonero.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hamon din ito sa mga binyagan na ipalaganap ang pananampalatayang tinanggap.

“That by baptism we are missionary; it is also a way of reminding our people of our call to mission, to witness our faith to all nations,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na magbibinyag ang diyosesis ng 500 mga bata bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng Pilipinas. Aniya, hinati sa tig-125 sa apat na bikaryatong bumuo sa Diyosesis ng Kidapawan na binubuo ng 18 mga parokya.

Unang ginawa ang libreng binyagang bayan nitong Abril 26, 2021 sa Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral sa Kidapawan City kung saan personal itong pinangunahan ni Bishop Bagaforo.

“By this celebration of baptism we are proclaiming to everyone that the church in Kidapawan diocese is alive! Because Christ is indeed ALIVE!” giit ng obispo.

Noong Abril 14 kasabay ng paggunita sa unang binyag na nangyari sa Cebu noong 1521, nagsagawa rin ng malawakang mass baptism ang iba’t ibang simbahan sa 86 na mga diyosesis at arkidiyosesis sa bansa.

Halimbawa na rito ang Diyosesis ng Mati kung saan halos 1000 indibidwal ang tumanggap ng sakramento ng binyag sa nasabing araw.

Binigyang diin ni Bishop Bagaforo na marapat lamang ipagpasalamat sa Panginoon ang biyaya ng pananampalatayang kristiyanismo na tinanggap ng bawat isa.

“Appreciation and thanksgiving for the gift of faith that was given and received by us,” ani Bishop Bagaforo.

Sa datos naman ng Statistical Yearbook of the Church ng Vatican pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamaraming binibinyagan o katumbas sa humigit kumulang 1.6 milyong mga bata edad pitong taong gulang pababa noong 2019. Bukod dito ikatlo rin ang Pilipinas sa may pinakamaraming binyagang katoliko sa 89-milyon.

Sa kabuuan tumaas ang bilang ng mga katoliko sa buong daigdig ng 16 na milyon o katumbas sa 1.34 bilyong binyagan, 17.7 porsyento sa pandaigdigang populasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 92,213 total reads

 92,213 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 169,410 total reads

 169,410 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,858 total reads

 202,858 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 238,157 total reads

 238,157 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 461,101 total reads

 461,101 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top