Karangalan sa paggawa, nakabatay sa manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total views

Binigyang diin ni Cebu Archbishop Jose Palma na ang karangalan sa paggawa ay nakabatay sa mga manggagawa.

Ito ang pagninilay ni Archbishop Palma sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan ni San Jose bilang patron ng mga manggagawa.

Ipinaliwanag ng arsobispo na bilang mga anak ng Diyos ay nararapat na bigyang kahalagahan ang bawat ginagawa at buong pusong ialay sa Panginoon.

“The dignity of work, depends not so much in the work, but in the worker, kay ang nagtatrabaho, anak sa Dios [dahil ang gumagawa ay anak ng Diyos.]” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Una nang binigyang halaga ng simbahan ang kapakanan ng mga manggagawa lalo na sa panahon ng pandemya na marami ang nawalan ng trabaho dahil sa mga limitasyong ipinatupad ng pamahalaan kasabay ng community quarantine.

Sa pinakahuling datos ng Department of Labor and Employment humigit kumulang sa limang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa pag-iral ng pandemya.

Dahil dito umaasa si Archbishop Palma na pahalagahan ng bawat pamilya ang mga kasapi nitong patuloy na naghahanap buhay sa kabila ng krisis na kinakaharap ng lipunan.

“Sana we appreciate the fruits of the work sa mga miyembro ng ating pamilya. Anything we do na sumusuporta sa ating pamilya, makapag-serve sa ating community, makes the world a better place to live in,” ani ng arsobispo.

1955 nang italaga ni Pope Pius XII ang kapistahan ni Saint Joseph the Worker bilang si San Jose ay isang karpintero na buong pusong inihandog sa Panginoon ang bawat paggawa.

Dahil dito pinangangalagaan ng simbahan ang karapatan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng ensiklikal ni Saint John Paul II na Laborem Exercens kung saan binigyang diin ng dating Santo Papa na tungkulin ng simbahan na itaguyod ang dignidad at karapatan ng mga manggagawa at tulungang lumago bilang bahagi ng pamayanan.

Taong 1870 naman ng idineklara ni Pope Pius IX si San Jose bilang patron ng universal church.

Kaya’t ngayong taon ay idineklara ni Pope Francis ang Year of St. Joseph para gunitain ang ika – 150 anibersaryo ng pagiging patron ng simbahang katolika.

Nakatakda naman sa Mayo 1 ang National Consecration to Saint Joseph ng mga Pilipino batay na rin sa kautusan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 105,269 total views

 105,269 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 135,492 total views

 135,492 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 162,140 total views

 162,140 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 257,113 total views

 257,113 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 271,337 total views

 271,337 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top