Sinovac vaccine, walang adverse side effects-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 344 total views

Ang pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine ay hindi lamang para sa sarili kundi sa kapakanan ng kapwa lalo na ng mga mahal sa buhay upang maiwasang malantad mula sa virus.

Ito ang panawagan ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo upang hikayatin ang mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ito ang panawagan ng Obispo matapos na mabakunahan ng first dose ng Sinovac vaccine. Ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring National Director ng NASSA/Caritas Philippines, mahalagang makapagpabakuna ang lahat lalo na ang mga senior citizens bilang proteksyon sa COVID-19 virus.

 

[smartslider3 slider=22]

 

Ayon sa Obispo, mas malala ang epekto ng pagpopositibo sa COVID-19 kumpara sa mababang tyansa ng pagkakaroon ng side effects mula sa mga bakuna.

Pagbabahagi pa ni Bishop Bagaforo na wala namang anumang adverse effect ang kanyang naramdaman matapos na mabakunahan ng Sinovac vaccine maliban sa pagka-antok.

“Wala po tayong ikabahala sa bakuna. Mas maliit po ang chances ng bad side effects sa bakuna kaysa greater vulnerability natin magka COVID-19 positive kung wala bakuna. After 5 days wala po adverse side effect sa akin.. Sinovac my vaccine. Kailangan po natin ito para sa atin at para hindi rin tayo maging carrier ng virus to others esp to our loved ones. Say Yes to vaccine!” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Natanggap ni Bishop Bagaforo at ilan pang lingkod ng Simbahan ang unang dose ng COVID-19 vaccine noong ika-7 ng Mayo sa ilalim ng Anti Covid19 Vaccination Roll Out Program ng City Government of Kidapawan.

Unang inihayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Davao Archbishop Romulo Valles ang kahandaan ng mga Obispo sa bansa na magpabakuna upang magkaroon ng tiwala ang mamamayan sa vaccine campaign ng pamahalaan. Sa tala ng Department of Health, kasalukuyang umaabot na sa 1.1-milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan umaabot na rin sa mahigit 18-libo ang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 15,507 total views

 15,507 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 65,521 total views

 65,521 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 61,390 total views

 61,390 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 97,507 total views

 97,507 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 105,471 total views

 105,471 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top