Caritas Philippines, umaapela ng suporta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,804 total reads

Umaapela ng suporta ang Caritas Philippines para sa mga programa nito bilang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Sa pamamagitan ng isang video message, nanawagan ng tulong si Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng Caritas Philippines para sa mga programa ng institusyon na layuning makatulong sa bawat mamamayang nangangailangan.

Tinukoy ng Obispo ang Alay Kapwa Program ng Simbahan na laging handang tumulong at tumugon sa mga pangangailangan ng bawat mamamayan na naapektuhan hindi lamang ng mga kalamidad kundi lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Inaanyayahan ko po kayo na samahan kami at makiisa po sa aming mga programa na makatulong sa ating maraming mga kababayang naghihirap. Sa pamamagitan ng ating Alay Kapwa Program, pagkain po ay ating naiaabot sa maraming nagugutom, sa panahon ng kalamidad gaya ng bagyo, lindol at iba pang paghihirap sa buhay ng ating mga kapatid ang Alay Kapwa Program ng ating Simbahan ay laging handang tumulong at tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.”panawagan ni Bishop Bagaforo

Ipinaalala ng Obispo na bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang pagbibigay ng pag-asa sa kapwa sa pamamagitan ng pakikiisa at pagtulong sa oras ng pangangailangan.

Sinabi ni Bishop Bagaforo na ang pagtulong sa mga nangangailangan ay bahagi ng pananagutan sa kapwa at pagsisilbing daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon.

“Mahal kong mga kababayan kung tayo ay may pananampalataya, nagkakaisa at nagtutulungan lahat ay kaya natin. Bigyan po natin ng bagong pag-asa ang iba nating mga kapatid lalong lalo na ang mga naghihirap, ang mga biktima ng mga maraming mga kalamidad. Ngayong panahon ng pandemya, bukas palad po ang Alay Kapwa handang tumulong sa ating mga kapatid, kapwa ko pananagutan ko.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Kabilang sa naging pagtugon ng Caritas Philippines ngayong panahon ng pandemya ay ang paglalaan ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 5-milyong piso sa mga Kindness Stations o community pantries ng mga Social Action Centers ng 50-diyosesis sa Luzon, Visayas at Mindanao na higit na naisakatuparan dahil sa pinagsama-samang donasyon ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 90,353 total reads

 90,353 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,637 total reads

 167,637 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 201,085 total reads

 201,085 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,384 total reads

 236,384 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,390 total reads

 459,390 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top