Malalang epekto ng COVID-19 pandemic, resulta ng pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 816 total reads

Magmumula sa ating mga sarili ang solusyon upang malunasan ang suliraning kinakaharap ng kalikasan.

Ito ang mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa paggunita sa Laudato Si Week 2021 na magsisimula bukas, ika-16 hanggang ika-24 ng Mayo.

Ayon kay Bishop Mangalinao, hindi lahat ng bagay ay kayang masolusyunan ng iba’t-ibang institusyong nagpapalaganap ng pangangalaga sa ating inang kalikasan.

Sinabi ng Obispo na ito’y dapat magsimula sa ating mga sarili na sa pamamagitan ng disiplina at pagiging responsable ay maisasakatuparan ang hangaring mapangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

“Palagi po nating sinasabi na ang solusyon ay nasa pamahalaan lamang o nasa mga institusyon na gumagalaw para sa kalikasan. Hindi po pala ‘yun ganun. Ang solusyon po ay nasa lahat, ang solusyon po ay ang magagawa ng bawat isa na kanyang maiko-contribute sa pamayanan,”mensahe ni Bishop Mangalinao

Sa panayam ng Radio Veritas, inihayag ni Bishop Mangalinao na nakaugat na magmula nang likhain ng Diyos ang sanlibutan ang pagkakaugnay-ugnay ng tao at ang kalikasan.

Ipinaliwanag ng Obispo na marahil ang patuloy na pang-aabuso at pagpapabaya ng mga tao sa kalikasan ang dahilan ng patuloy na epekto ng pandemya sa kapaligiran.

Ibinahagi nito ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagmamahal sa kapwa ay kaugnay dapat ng pagmamahal sa kalikasan na sa atin ay nagbibigay-buhay.

“Ang pandemya ay nagpapakita kung paanong ang katotohanan ay sinasabing ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan… Kaya po ang panawagan ng Santo Papa na paulit-ulit po tayong pinaalalahanan na anumang bagay na nangyayari sa ating kapaligiran ay bunga ng gawain ng tao,” ayon sa Obispo.

Hinikayat naman ni Bishop Mangalinao ang bawat isa na ipagpatuloy ang pangangalaga sa kalikasan sa halip na sirain upang makamtan ang hinahangad na kaligtasan.

Tema ng Laudato Si Week 2021 ang “Celebrating Change” na ilulunsad kasabay ng paggunita sa Dakilang Kapistahan ng pag-akyat ng Panginoon sa langit.

Ito’y natatanging pagkakataon upang ipagdiwang ang naging gampanin ng simbahan sa pagsasabuhay ng turo ng Laudato Si at ang wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan kasabay ng pagdiriwang sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ang Laudato Si ang ikalawang ensiklikal na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei.

Ito ang itinuturing na kauna-unahang ensiklikal na patungkol sa tamang pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 90,454 total reads

 90,454 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,736 total reads

 167,736 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 201,184 total reads

 201,184 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,483 total reads

 236,483 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,486 total reads

 459,486 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,120 total reads

 158,120 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top