Bishop Pabillo, nababahala sa mai-expired na AstraZeneca vaccines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 662 total reads

Nababahala si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo hinggil sa mga dumating na karagdagang 2-milyong donated COVID-19 AstraZeneca Vaccines sa bansa noong nakaraang linggo.

Ito’y matapos makumpirma ng Department of Health na ang 1.5 million doses ng nasabing vaccine ay mag-eexpired na sa Hunyo 30 at ang iba naman ay sa Hulyo 31.

Ayon kay Bishop Pabillo, nararapat lamang na bilisan na ng pamahalaan lalo’t higit ng DOH ang pamamahagi ng nasabing vaccine upang ito’y hindi na masayang pa.

Gayundin, dagdag ng Obipso na higit rin itong makatutulong sa mga Filipino upang magkaroon na ng kapanatagan at kaligtasan laban sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“Kaya nga dapat mas maging systematic at mas maging mabilis ang pamamahagi ng mga AstraZeneca vaccines na ‘yan para hindi po ma-expired. Sa halip na makatulong na sa tao, masasayang pa kapag na-expired ‘yan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nauna nang sinabi ng dating miyembro ng National Task force on COVID-19 na si Dr. Tony Leachon na dapat nang humingi ng tulong ang pamahalaan sa mga pribadong sektor upang mapabilis na ang pamamahagi ng vaccines.

Paliwanag ni Leachon na masyadong mababa ang average rate ng vaccination sa Pilipinas na aabot lamang sa 30,000 hanggang 60,000 kada araw, pahiwatig na malabong maubos ang AstraZeneca vaccines bago magtapos ang Hunyo.

Mayroon namang inaayos na plano ang pamahalaan para agad na maipamahagi ang mga bakunang malapit nang mawalan ng bisa.

Ayon sa DOH, kanilang ipapamahagi ang nasa 1.5 milyon na bakuna na mag-eexpire sa susunod na buwan bilang unang dose, habang ang natitira naman na nasa 525,000 ay ipapamahagi bilang pangalawang dose ng mga nauna nang nakatanggap ng AstraZeneca vaccine.

Batay sa huling ulat, umabot na sa higit 3-milyong Filipino na ang nabakunahan laban sa COVID-19, na karamiha’y senior citizens, persons with comorbidities at mga health workers.

Inaasahan naman ng Pilipinas na mababakunahan ang nasa 70 milyong indibidwal ngayong taon upang maabot ang herd immunity laban sa nakahahawa at nakamamatay na sakit na nakaapekto na sa higit 1-milyong Filipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 83,902 total reads

 83,902 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,746 total reads

 161,746 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,194 total reads

 195,194 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,492 total reads

 230,492 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,714 total reads

 453,714 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,915 total reads

 157,915 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top