Mga botante, hinimok ng CBCP na huwag magpalinlang sa “campaign joke” tulad ng ginawa ng Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 625 total views

Mahalagang suriin ang pangkabuuang katauhan ng mga politiko na nagnanais na maglikod bilang mga opisyal ng bayan.

Ito ang paunang paalala ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, National Director ng Caritas Philippines kaugnay sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon sa Obispo, mahalaga na mayroong moral ascendancy ang mga kandidato na nagnanais na maihalal bilang mga lingkod bayan.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na bukod sa pagsusuri sa track record ng mga politiko ay mahalaga rin na matiyak ang katapatan, kabutihan at tunay na interes ng mga ito sa pagnanais na maluklok sa anumang posisyon sa pamahalaan.

Pagbabahagi ng Obispo, magkakaroon lamang ng ganap na kaayusan sa lipunan kung ang mga maihahalal ay ang mga taong may tunay na pagnanais na paglingkuran ang taumbayan ng walang halong pansariling interes.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na dapat maipakita at maipamalas ng botante sa pamamagitan ng pagluluklok ng mga karapat-dapat na lider ng bayan.

[smartslider3 slider=22]

“Kaya sa mga voters, inuulit po namin ang panawagan. Una piliin ang meron moral ascendancy, [ang] character ng kandidato mahalaga. Pangalawa, track record kung meron kakayanan kapag nahalal. Panawagan sa lahat ng concerned especially new voters, mag parehistro na!” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Partikular na tinukoy ni Bishop Bagaforo ang naging pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan lamang na isa lamang “campaign joke” ang kanyang naging pahayag patungkol sa usapin ng West Philippines Sea noong panahon ng kampanya taong 2016.

Ayon sa Obispo, isang tahasang kalapastanganan at kawalang-galang sa mga Filipino at sa rule of law ng bansa ang naging pag-amin ng Pangulo na karamihan sa kanyang mga “campaign promises” o pangako noong panahon ng kampanya ay puro lamang “campaign joke”.

Dismayado rin si Bishop Bagaforo sa mababang pagtingin ng Pangulo sa mga mahihirap partikular na sa naturang mangingisda na hindi binigyang halaga ng pangulong Duterte.

Dahil dito, isang malaking palaisipan ayon sa Obispo kung ang lahat ba ng mga binitiwang pangako ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya ay tanging “campaign joke” lamang at walang katotohanan.

“Digong’s [President Rodrigo Duterte’s] confession that many of his campaigns’ promises were all jokes was a total disrespect to our rule of law, a total insult to the dignity of our simple fellow Filipinos, like that fisherman who asked the question on the WPS [West Philippine Sea]. Tinuring niya na bubo si Mr. Fisherman, kaya pinaglaruan nya dahil sinagot ng Joke. Parang ipinakita ni Digong [President Duterte] na mababa ang pagtingin nya sa mahirap na fisherman. Ang tanong, Jokes din ba ang lahat mong [President Duterte] pangako noong kampanya sa election?” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Bukod sa pag-amin na isa lamang “campaign joke” ang kanyang naging tugon sa tanong ng isang mangingisda sa naganap na Presidential Debate noong Abril ng taong 2016 ay tinawag ring “stupid” ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga naniwala sa kanyang pahayag na pagje-jetski patungong Spratlys Island upang itanim ang bandila ng Pilipinas.

Matatandaang isa ang naturang pahayag ni Pangulo Duterte sa mga tumatak noong panahon ng kampanya limang taon na ang nakakalipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 99,067 total views

 99,067 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 129,290 total views

 129,290 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 155,939 total views

 155,939 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 250,912 total views

 250,912 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 265,485 total views

 265,485 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top