LGUs, simbahan at pribadong sektor, pinatatag ang ugnayan upang manatiling COVID free ang Batanes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total views

Puspusan ang isinasagawang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Batanes katuwang ang iba’t ibang sektor sa probinsya kabilang na ang Simbahan upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan mula sa COVID-19 kung saan nananatiling COVID-Free ang Batanes magpahanggang sa ngayon.

Sa pamamagitan ng Provincial COVID-19 Task Group na binuo ay puspusan ang isinasagawang pagpaplano ng iba’t ibang sektor sa probinsya kung papaanong epektibong maisasagawa ang vaccination roll-out program sa Batanes.

Ayon kay Batanes Bishop Danilo Ulep, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang mas epektibong mapagplanuhan ang mga dapat gawing hakbang para sa kapakanan ng mga mamamayan sa probinsya.

Nagpapasalamat rin ang Obispo sa pagkakapabilang ng Simbahan sa naturang Provincial COVID-19 Task Group bilang katuwang ng lokal na pamahalaan at ng iba pang sektor sa paghahanap ng solusyon upang ganap na mapagtagumpayan ang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

[smartslider3 slider=21]

“Thankfully the governor also include the church sector and that’s why I was taking in as a member of the task group and I think it’s just also important that the government sees the church as a partner in this collaborative effort to look for ways and means on how to deal with this problem, in this crisis and sana naman kahit papaano we in the church could really offer and contribute in whatever way we can in this on-going fight against the crisis of the pandemic”.pahayag ni Bishop Ulep sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Ulep, kabilang sa mga tinatalakay ng Provincial COVID-19 Task Group ay ang epektibo at mas malawak na pagbabahagi ng mga naaangkop na impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine sa mamamayan.

Ipinaliwanag ng Obispo na tulad ng problema sa ibang mga lugar sa bansa ay ilang residente pa rin ang may pag-aalinlangan na magpabakuna sa Batanes.

“So what we discussed basically [is] how to improve further the vaccination of the identified groups to be vaccinated and especially we’ll like the other areas in the rest of the country a few are still hesitant but we are hopeful that they will finally be convinced of taking the vaccine.” Dagdag pa ni Bishop Ulep.

Sinabi ni Bishop Ulep na tuloy ang plano ng task force bagamat nasa 90-porsyento na ng mga frontliners ang nabakunahan at kasalukuyan ng ibinabahagi ang vaccine roll-out program para sa mga senior citizen sa probinsya.

Ayon sa Obispo, mula ng magsimula ang paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas ay nakapagtala lamang ng 10-kaso ng sakit ang probinsya ng Batanes kung saan sa loob ng mahigit 2 buwan ay wala na muling kasong naitala dahilan upang ideklarang COVID-Free ang probinsya.

“Well since the start of the pandemic naka-sampung kaso kami but thank God everybody now has recovered and for mga 2-month na we have no cases anymore so officially we are COVID-Free.” Ayon pa kay Bishop Ulep.

Binubuo ang nasabing Provincial COVID-19 Task Group ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Governor Marilou Cayco, mga kinatawan mula sa mga pambansang ahensya na nangangasiwa sa pagsugpo at epekto ng COVID-19 kabilang na ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine National Police, mga non-government organization, pribadong sektor at ng Simbahang Katolika sa pangunguna ni Batanes Bishop Danilo Ulep.

Batay sa 2018 data ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa mahigit 17-libo ang bilang ng populasyon sa Batanes kung saan target ng Provincial COVID-19 Task Group na mabakunahan ang nasa 14-libong indibidwal upang makamit ng probinsya ang herd immunity mula sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 64,851 total views

 64,851 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 108,459 total views

 108,459 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 191,435 total views

 191,435 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 203,670 total views

 203,670 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top