Mamamayan ng Naga, hinimok ng simbahan na magpabakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total reads

Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ng Naga at ng Archdiocese of Caceres ang mamamayan sa probinsya na magpabakuna bilang proteksyon laban sa COVID-19 virus.

Sa pamamagitan ng isang video na may habang 1 minuto na nasa salitang Bikolano ay binigyang diin ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona at Naga City Mayor Son Legacion ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa Obispo, ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay hindi lamang isang proteksyon para sa sarili kundi isa ring obligasyon para sa kapakanan ng kapwa.

Paliwanag pa ni Archbishop Tirona, isa rin itong paraan upang magpakita ng higit na pagpapahalaga sa buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.

“Sa aking mga kapatid kay Kristo! Kamusta po kayo, ito po si Bishop Roly kasama si Mayor Son Legacion. Inaanyayaan ko kayo na makilahok sa programa ng gobyerno na magpabakuna contra COVID-19. Ito ay ating obligasyon sa ating kapwa at pagpapahalaga sa buhay na binigay sa atin ng Diyos.” paanyaya ni Archbishop Tirona.

Samantala, isinusulong naman ng alkalde ang online vaccine registration sa probinsya para sa mas mabilis at mas ligtas na pagpapatala upang makapagpabakuna.

Matatanggang natanggap ni Archbishop Tirona kasama ng may 349 na mga senior citizens sa Naga ang unang dose ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 noong ika-12 ng Mayo sa ilalim ng Anti Covid19 Vaccination Roll Out Program ng lokal na pamahalaan sa Naga City.

Una ng tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang buong suporta ng Simbahang Katolika sa Anti Covid19 Vaccination Roll Out Program ng pamahalaan na naglalayong maprotektahan ang sarili at kapwa mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,404 total reads

 18,404 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,118 total reads

 19,118 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 36,576 total reads

 36,576 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 73,954 total reads

 73,954 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 105,222 total reads

 105,222 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,183 total reads

 180,183 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 272,586 total reads

 272,586 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 26,711 total reads

 26,711 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top