Let us be promoters and boosters of God’s handworks

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 556 total reads

Ito ang mensahe ni Baguio Bishop Victor Bendico kaugnay sa patuloy na paggunita ng simbahan sa Laudato Si Week 2021.

Ayon kay Bishop Bendico, ang kalikasan ay isang magandang biyaya ng Poong Maylikha para sa sangkatauhan na nagsisilbing tahanang nararapat lamang na bigyan ng higit na atensyon.

Iginiit ng Obispo na walang karapatan ang sinumang sirain ang lahat ng likas na yamang nilikha ng Diyos, dahil ito’y hindi lamang isang handog kundi kayamanang dapat na pakaingatan at pangalagaan.

“God has gifted us with the immeasurable richness of His creation. We do not have the right to [be] abusers of His created gifts. It would be an injustice to those who gave us those gifts freely and out of His goodness,” bahagi ng mensahe ni Bishop Bendico sa Radio Veritas.

[smartslider3 slider=21]

Sinabi ng Obispo na dahil sa nakasisilaw na kapangyarihan ng pera at pagiging makasarili, nakakalimutan na ng mga taong isipin ang tunay na halaga at naidudulot ng kalikasan sa sangkatauhan.

Dahil din sa mapanirang gawain ng mga tao na nagaganap sa ating kapaligiran, unti-unti nang nawawalan ng pag-asa ang susunod na henerasyon na makita ang tunay na hitsura at ganda ng ating inang kalikasan.

“We have become lords and masters of the earth plundering her at will. We have become so selfish thinking only of personal gains and cash while not minding the generations to come,” saad ng Obispo.

Sa kabilang banda, hinihikayat ni Bishop Bendico ang bawat mananampalataya at makakalikasan na maging mapagmatyag laban sa mga nang-aabuso sa likas na yaman ng mundo.

Ito’y upang higit na maipakita ang pagmamalasakit at pagtatanggol sa ating inang kalikasan na kailangang pangalagaan para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

Kaugnay nito’y hinihimok din ng Kanyang Kabanalan Francisco ang lahat ng mga bansa, mayaman man o mahirap na magtulong-tulong upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng mundo.

Iginiit ng Santo Papa na kapag nagpatuloy ang pagkasira ng kalikasan ay babalik din sa tao ang mga paghihirap dahil sa mga sakunang maidudulot nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 96,565 total reads

 96,565 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 173,609 total reads

 173,609 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 207,057 total reads

 207,057 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,357 total reads

 242,357 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 465,157 total reads

 465,157 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,304 total reads

 158,304 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top