Rainy season, inanunsiyo ng PAG-ASA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 567 total views

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magsisimula nang maramdaman ang epekto ng southwest monsoon o hanging habagat ngayong huling araw ng Mayo o sa kalagitnaan ng Hunyo.

Ang panahon ng habagat ay magdadala ng mainit at mahalumigmig na panahon, madalas na malalakas na pag-uulan at paghanging nagmumula sa kanlurang bahagi.

Mararanasan dito ang mga pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon at ilang bahagi ng Visayas na magdudulot ng mga pagbaha lalo na sa mabababang lugar, gayundin ang iba’t ibang sakunang lalong umiigting kapag sinabayan pa ng mga bagyo.

 

[smartslider3 slider=22]

Kaya paalala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na palaging maging handa sa mga posibleng maganap ngayong tag-ulan at manatiling nakaantabay sa mga anunsyo na maaaring makita at marinig sa telebisyon, radyo at social media.

Batay sa tala ng Global Climate Risk Index, simula 2000 hanggang 2019, naitala ang Pilipinas bilang pang-apat mula sa sampung mga bansang nakakaranas ng iba’t ibang pinsalang dulot ng matinding sakuna.

Matatagpuan ang Pilipinas sa tinatawag na Pacific Typhoon Belt, kaya nararanasan sa bansa taun-taon ang aabot sa 20 o higit pang bagyong pumapasok sa Philippine Area of Responsibility.

Patuloy namang panawagan ng Simbahan ang pangangalaga sa kalikasan at ang pananalangin upang ipag-adya ang bansa mula sa anumang kalamidad at sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 101,144 total views

 101,144 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 131,368 total views

 131,368 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 158,016 total views

 158,016 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 252,989 total views

 252,989 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 267,438 total views

 267,438 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top