Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tiwala, susi sa laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

 278 total views

Mga Kapanalig, nakapagpabakuna na ba kayo laban sa COVID-19?

Kung may pagkakataon at kayo ay naabisuhan na ng inyong lokal na pamahalaan na mayroon nang bakuna sa inyong lugar, magpabakuna po tayo. Sabi nga ni Pope Francis, ang pagpapabakuna ay isang morál na obligasyon dahil inililigtas nito hindi lamang ang ating mga sarili kundi pati ang buhay ng iba.

Gayunman, napakababa pa rin ng porsyento ng ating populasyon ang nababakunahan. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nasa 2.5 milyon na ang nakatanggap ng first dose, habang mahigit 780,000 pa lamang ang nabigyan ng second dose o ng kumpletong bakuna. Upang makamit natin ang tinatawag na herd immunity o ang sapat na bilang upang masabing may sapat nang proteksyon ang mas nakararami sa atin, kailangang umabot sa 70% ng populasyon ang mabakunahan laban sa COVID-19. Ngunit mula nang magsimula ang lehitimong pagpapabakuna sa ating bansa, nasa 2.3% pa lamang ang nakatanggap ng unang dose habang wala pang 1% ang nakakumpleto na ng bakuna. Ito ang dahilan kung bakit pangatlo sa huli ang Pilipinas sa sampung bansa sa Timog Silangang Asya pagdating sa bahagdan ng populasyong nakatanggap ng at least isang dose ng bakuna.

 

[smartslider3 slider=22]

 

Maliban sa mabagal na pagdating ng bakuna sa ating bansa, marami pa rin sa atin ang may agam-agam na magpabakuna. Isa sa mga pinanggagalingan ng agam-agam na ito ay ang mababang kumpiyansa ng mga Pilipino sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan. Sa huling survey ng Social Weather Stations (o SWS), kalahati lamang (o 51%) ng mga Pilipino ang nagsabing nagtitiwala sila sa programang ito ng pamahalaan. Hindi pa sigurado ang 31% habang 17% ang walang confidence. Sa mga nagsabing tiwala sila vaccination program ng pamahalaan, 58%—o anim sa sampu—ang nagsabing bukás silang tumanggap ng bakuna. Kasama rin sa mga dahilan kung bakit hindi pa sigurado o ayaw ng mga Pilipinong magpabakuna ay ang takot sa mga posibleng side effects, ang paniniwalang hindi ligtas at epektibo ang mga bakuna, at ang takot na mamatay base na rin sa mga naririnig nilang mga report.

Napakalaking hamon ito para sa ating pamahalaan. Paano nito makakamit ang target na bakunahan ang 70% ng ating populasyon kung napakababa ng kumpiyansa ng mga Pilipino sa pagpapabakuna?

Ngunit sa halip na paliwanagan ang mga Pilipino tungkol sa mga bakuna, nais ng pamahalaang hindi na ipaalám sa mga tao kung ano ang bakunang ituturok sa kanila. Ito ay matapos dumagsa sa ilang lugar ang mga nais makatanggap ng bakunang Pfizer, ang bakunang gawa sa Amerika at gusto ng mas marami. Mataas kasi ang tinatawag na efficacy rate nito kumpara sa Sinovac, ang bakunang mula sa China. Dahil dito, inatasan ng Department of the Interior and Local Government (o DILG) ang mga lokal na pamahalaan na huwag nang ianunsyo ang pangalan ng mga bakunang tatanggapin ng kanilang mga nasasakupan. Nais kasi ng Department of Health (o DOH) ang isang “brand agnostic” na COVID-19 vaccination program.

Minsan na tayong sinabihan ng pamahalaang huwag maging choosy o pihikan sa bakunang ituturok sa atin. Ngunit hindi ba’t karapatan nating malaman kung ano ang bakunang ilalagay sa ating katawan, lalo pa’t may kinalaman ito sa ating kalusugan? Umabot tayo sa puntong ito dahil mistulang pinapaboran lamang ng pamahalaan ang bakuna mula sa iisang source, ngunit sa dami ng inutang natin, bakit hindi tayo bumibili ng mga bakunang mas mataas ang efficacy rate?

Mga Kapanalig, sa harap ng matinding krisis, ang kailangan natin ay mga lider na, wika nga sa Mga Awit 78:72, matuwid na namamahala at namamalakad nang mahusay. Kaakibat ng mga katangiang ito ang hindi pagtatago ng tamang impormasyon sa kanilang mga pinamamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 39,743 total views

 39,743 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 55,831 total views

 55,831 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,319 total views

 93,319 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,270 total views

 104,270 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 39,744 total views

 39,744 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 55,832 total views

 55,832 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,320 total views

 93,320 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,271 total views

 104,271 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 94,259 total views

 94,259 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 94,986 total views

 94,986 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 115,775 total views

 115,775 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 101,236 total views

 101,236 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 120,260 total views

 120,260 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top