Penitential walk, isasagawa ng mga pari at relihiyoso ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 714 total reads

Hinimok ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mananampalataya na makiisa sa isasagawang ‘day of prayer and fasting’ bilang patuloy na paghingi ng gabay sa Panginoon mula sa iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

Sa pastoral instruction ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sinabi nitong ito ay pagdulog sa habag at awa ng Panginoon dahil sa patuloy na naranasang pandemya at paghahanda sa pagtanggap sa bagong pinunong pastol ng arkidiyosesis ngayong Hunyo.

Itinakda sa unang araw ng Hunyo ang araw ng pananalangin at pag-ayuno bilang pasimula sa buwan ng Kabanal-banalang puso ni Hesus.

[smartslider3 slider=21]

“I invite you all to join in a day of prayer and fasting during which we implore God’s mercy on us. It will be on June 1, the beginning of the month of the Sacred Heart, and for us in the Archdiocese, the month that we will receive our new archbishop,” bahagi ng pastoral instruction ni Bishop Pabillo.

Dahil sa limitasyong dulot ng pandemya hinikayat ni Bishop Pabillo ang bawat mananampalataya na makiisa sa pamamagitan ng online livestream sa bawat tahanan, tanggapan at sa mga lugar na pinagtatrabahuan habang pangungunahan ng mga pari at religious leaders ang nasabing gawain.

Alas 8:30 ng umaga magtitipon ang mga pari ng arkidiyosesis sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church para sa communal penitential service kung saan dudulog sa sakramento ng pangungumpisal ang mga lingkod ng simbahan.

“We priest also admit our failures during this year of pandemic. We may not have been courageous enough in encouraging the flock, not creative enough in serving those in need, not prayerful enough for the sake of our people. We are sorry,” ani Bishop Pabillo.

Magsasagawa ng penitential walk ang mga pari mula Quiapo Church patungong Sta. Cruz Church kung saan sama-samang ipagdiwang ang Banal na Eukaristiya at ipanalangin ang intensyon ng sambayanan, ang paghilom ng mundo at pagkakaisa ng lipunan.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang mga pari ng arkidiyosesis na makiisa sa gawain sa kapakinabangan ng mananampalataya sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu.

Sa hapon ng Hunyo 1 hinikayat ang mga parokya na magsagawa ng Banal na Misa sa intensyon ng kapatawaran ng mga kasalanan at paghilom ng daigdig mula sa nakakahawang sakit.

Umaasa si Bishop Pabillo na patuloy ipagdasal ng mananampalataya ang bawat lingkod ng simbahan upang maging tunay at tapat na lingkod ng Panginoon na isinasakatuparan ang misyon ni Hesus.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 84,028 total reads

 84,028 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,870 total reads

 161,870 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,318 total reads

 195,318 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,616 total reads

 230,616 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,834 total reads

 453,834 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top