Empower ang kabataan sa peace building, panawagan ng CBCP-ECY sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 568 total reads

Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth sa kahandaan at hangarin ng mga kabataan na makilahok sa pagsusulong ng ganap na kapayapaan sa bansa.

 

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Conegundo Garganta – executive secretary ng komunisyon kaugnay sa katatapos lamang na National Ecumenical Youth Gathering for Peace.

 

Ayon sa Pari, nararapat na mabigyan ng naaangkop na pagkakataon ang mga kabataan na maipakita at maipahayag ang pagnanais  sa pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa.

 

“Ang mga kabataan ay hangad ang kalayaan. Makikita natin ito sa kanilang pagnanais na marinig ang kanilang tinig, makapag hayag ng kanilang kalooban at mga pananaw. Karaniwan bago o kakaiba ang kanilang mga ideya at mapanghamon.” mensahe ni Fr. Conegundo Garganta sa panayam sa Radio Veritas.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Binigyang diin naman ng Pari na mahalaga ang karanasan ng kapayapaan upang magkakaroon ng puwang ang mga ideya at pananaw ng mga kabataan na maaaring magamit sa ganap na pagkamit ng kapayapaan sa bayan.

 

Paliwanag pa ni Fr. Garganta, hindi dapat madaig ng kaguluhan o anumang negatibong ideyolohiya ang pagnanais ng mga kabataan na makilahok sa mga pamamaraan upang maisulong ang kapayapaan na matagal ng hinahangad ng bawat mamamayan.

 

Giit ng Pari, taglay ng mga kabataan ang dalisay na paniniwala at pagtitiwala sa kaloob at pangakong kaligtasan at kapayapaan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

 

“Ngunit upang makamit ang puwang para sa kanila at para na rin sa lahat, may pangangailangan na nararanasan ang kapayapaan upang lumutang ang mga malikhain at nakapagpapanibagong kaalaman at kakayahan na galing sa mga kabataan. Kailangan din huwag madaig ng mga salungat na kalagayan o sitwasyon ang pagnanais ng mga kabataan sa kalayaan upang patuloy sila na maging aktibo sa paglahok na gumawa para sa pagkakamit ng kalayaan. Taglay ang paniniwala at pagmamahal sa Diyos na siyang pinagmumulan ng tunay na kapayapaan.” Dagdag pa ni Fr. Garganta.

 

Ang National Ecumenical Youth Gathering for Peace ay pinangasiwaan ng Kalipunan ng Kristiyanong Kabataan sa Pilipinas (KKKP), Student Christian Movement of the Philippines, National Council of Churches in the Philippines at ng Philippines Ecumenical Peace Platform (PEPP) katuwang ang iba pang mga organisasyon at institusyon na nagsusulong ng kapayapaan sa bansa.

UNDAS 2026, generally peaceful

 24,055 total reads

 24,055 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 43,171 total reads

 43,171 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 92,923 total reads

 92,923 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 252,117 total reads

 252,117 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 279,277 total reads

 279,277 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 311,658 total reads

 311,658 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 24,057 total reads

 24,057 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top