CBCP, nanawagan ng panalangin para sa kapayapaan sa Myanmar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 731 total reads

Tiniyak ng simbahan sa Pilipinas ang pakikiisa sa pananalangin para sa kapayapaan ng Myanmar. Sa liham sirkular ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines umapela ito sa mga diyosesis, arkidiyosesis, prelatura at apostolic vicariates sa bansa na mag-alay ng panalangin para sa Myanmar.

Ito ay isasagawa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos sa Mayo 30, 2021.

“On May 30, next Sunday, the Solemnity of the Most Holy Trinity, and also designated as BEC Sunday, we include in all our Masses in our cathedrals and parishes, a special prayer for the suffering people of Myanmar and in particular, for the Church in Myanmar,” bahagi ng apela ng CBCP.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Noong Pebrero ng taong kasalukuyan nauna nang nagpadala ng liham ang CBCP sa kalipunan ng mga obispo sa Myanmar sa pamamagitan ni Yangon Archbishop Cardinal Charles Maung Bo bilang pakikiisa sa panalangin ng kapayapaan sa bansa na nakaranas ng karahasan dahil sa kudeta.

Noong nakalipas na araw nagpadala ng liham si Cardinal Bo kay Archbishop Valles para sa ‘Extreme Appeal’ kasunod ng marahas na pag-atake sa Sacred Heart Church sa Kayanthayar Eastern Myanmar na ikinasawi ng apat na indibidwal habang marami naman ang nasugatan.

Ayon pa sa liham ni Cardinal Bo mahigit sa 20-libong indibidwal na ang lumikas sa Loikaw para sa kaligtasan ng mamamayan.

Samantala ayon kay Archbishop Valles na mahalaga ang sama-samang pagdarasal upang mahinto na ang karahasan sa naturang lugar lalo’t kasalukuyan ding nahaharap sa krisis na bunsod ng coronavirus pandemic ang buong daigdig.

“Let us beg the Lord for an end to this violence and for all the people concerned to be led towards the forging of peace,” ani Archbishop Valles.

Matatandaang nagsimula ang kaguluhan sa Myanmar noong Pebrero dahil sa resulta ng halalan sa bansa na pinamunuan ng militar ng mahabang panahon.

Sa mahigit tatlong buwang kudeta humigit kumulang 800 indibidwal na ang nasawi habang mahigit tatlong libo naman ang ikinulong kabilang na ang nahalal na pangulo na si Aung San Suu Kyi.

Noong Mayo 16, pinangunahan naman ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Banal na Misa sa Roma para sa kapayapaan ng Myanmar at umapelang pairalin ang pakikipagdayalogo para sa kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 157,008 total reads

 157,008 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 229,633 total reads

 229,633 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 263,080 total reads

 263,080 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 298,378 total reads

 298,378 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 518,728 total reads

 518,728 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top