Mamamayan, hinimok ng Radio Veritas na magpabakuna laban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 381 total views

Hinihikayat ng pamunuan ng Radio Veritas ang mga kapanalig na agad magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Ayon kay Radio Veritas President Fr. Anton CT. Pascual, ito lamang ang paraan upang malunasan na ang patuloy na paglaganap nang nakahahawa at nakamamatay na virus na lubos nang nagpapahirap sa buong mundo.

“Mga kapanalig, tayo ay magpabakuna sa lalong madaling panahon. ‘Yan lang ang paraan upang matapos na ang pandemyang ito,” mensahe ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari ang pahayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na moral na obligasyon ng bawat mamamayan at mananampalataya na mabakunahan laban sa COVID-19.

[smartslider3 slider=22]

Paliwanag ni Fr. Pascual na ito’y paraan upang maipalaganap sa buong mundo ang kaligtasan sa nakahahawa at nakamamatay na sakit at hindi na magdulot pa ng kapahamakan sa nakararami.

“Sinabi ng Santo Papa Francisco na moral na obligasyon ng lahat na mabakunahan upang maligtas tayo at hindi maging sanhi ng pagkalat ng COVID-19,” ayon kay Fr. Pascual.

Samantala, payo naman ng pari sa mga kapanalig na magpunta lamang sa malapit na barangay health centers o lokal na pamahalaan upang agad na makapagpa-rehistro at makakuha ng COVID-19 vaccine.

Nakumpleto na ni Fr. Pascual ang una at pangalawang dose ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 na batay sa naging karanasan ng pari ay walang naramdamang anumang adverse o side effects.

Magugunita noong Marso 2021 nang magpositibo ang pari at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19.

Si Fr. Pascual na siya ring Executive Director ng Caritas Manila ay naging aktibo sa pagtugon sa mga pangangailangan dulot ng COVID-19 sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga COVID-19 kits, 1.5-bilyong pisong “Gift Certificates” at Caritas Manna packs sa mahigit kumulang 6-milyong indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 58,953 total views

 58,953 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 102,561 total views

 102,561 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 185,732 total views

 185,732 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 198,419 total views

 198,419 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top