BEC, palalakasin ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 559 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na palalakasin ang mga – Basic Ecclessial Communities o B-E-C sa pamayanan.

Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan, chairman ng komisyon malaki ang responsibilidad ng mga BEC sa pagpapanatiling buhay ng simbahan sa mumuniting pamayanan sa naranasang pandemya.

Ito ang pahayag ng arsobispo kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng BEC Sunday sa Mayo 30, 2021 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos.

“Kahit sa naranasang pandemic ngayon nagpatuloy sa gawain ang BEC sa mga komunidad, layunin nitong mapanatiling buhay ang pananampalataya sa pamayanan lalo na sa bawat tahanan,” pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas

Paliwanag ng arsobispo bagamat naisara sa publiko ang mga bahay dalanginan dahil sa pandemya mas tumibay ang pananampalataya at ugnayan sa Panginoon ng mananampalataya sa pagsusumikap ng mga BEC dahil sa pagpapatuloy ng mga gawain nito.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Pinuri rin ni Archbishop Cabantan ang mga BECs sa buong bansa dahil naging instrumento sa paghahatid ng tulong sa mga tahanan noong nagpatupad ng mahigpit na panuntunan ng community quarantine ang bansa.

“Malaki ang tulong ng BEC sa pamamahagi ng ayuda ng simbahan sa mga tao kasi kilala nila ang mga nakatira sa paligid, ang mga munting pamayanan kaya hindi tayo nahirapan,” ani Archbishop Cabantan.

Suportado rin ng opisyal ang Virtual Ecclessial Community na ibinahagi noon ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na itinatag para tipunin lalo na ang kabataan sa tulong ng teknolohiya para sa virtual sharing conference hinggil sa pananampalataya.

“Isang venue rin yang digital platform, in fact napag-usapan ng CBCP ang BEC in a digitalize context lalo ngayong bawal ang physical gatherings,” giit ng arsobispo.

Bilang pakikiisa sa 500 Years of Christianity naglunsad ng aklat ang komisyon kasabay ng pagdiriwang sa ika – 50 taon ng BEC noong 2019 ang “A Continuing Pastoral Accompaniment of BEC’s in the Philippines: A 50-Year Journey”.

Naglalaman ito ng pagninilay ng mga pari, obispo at layko hinggil sa pananampalatayang kristiyano.

Si Msgr. Manny Gabriel ang may akda ng aklat na siya ring Executive Secretary CBCP-BEC sa loob ng 50 taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 122,225 total reads

 122,225 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 156,902 total reads

 156,902 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 179,067 total reads

 179,067 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 215,553 total reads

 215,553 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 226,227 total reads

 226,227 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

 4,074 total reads

 4,074 total reads Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at

Read More »
Scroll to Top