Panukalang batas na nagpapahintulot ng commercial fishing, tinututulan ng PANGISDA Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,399 total reads

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong PANGISDA Pilipinas sa harapan ng House of Representatives kasabay ng paggunita sa National Fisherfolks Day.

Ito’y upang tutulan ang panukalang House Bill 7853 na pinapahintulutang papasukin ang mga komersyal na mangingisda sa munisipal na katubigan.

Ayon kay Pablo Rosales, pangulo ng grupo na palalalain lamang nito ang labis na pangingisda sa gitna ng mas mataas na huli ng isda sa ilang mga lugar bunsod ng mahigpit na pagbabawal sa komersyal na pangingisda sa loob ng 15-kilometer zone mula sa baybayin.

“…Ang walang pakundangang pagkuha at paghuli ng isda ng komersyal na pangingisda ang pangunahing dahilan ng pagkaubos ng likas yaman at pagkasira ng pangisdaan sa kalakhan,” bahagi ng pahayag ni Rosales.

Samantala, panawagan naman ng grupo sa bawat mamamayan at mga kinauukulan na tutulan ang anumang gawaing makakaapekto sa pangangalaga at pag-unlad ng mga palaisdaan sa bansa.

Sa halip, paigtingin ang pagpapatupad sa programang makatutulong upang mapaunlad din ang kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda.

“Sama-sama nating itulak ang lubos na pagpapatupad ng mahahalagang batas at programa para sa tunay na rehabilitasyon ng mga munisipal na pangisdaan tungo sa pangmatagalang pag-unlad at supply ng pagkain para sa mamamayan, na siya ding mag-aangat sa kabuhayan ng mga mangingisdang munisipal,” ayon kay Rosales.

Batay sa Republic Act 10654 o Fisheries Code of 2015, ipinagbawal ang ilegal at komersyal na pangingisda sa munisipal na katubigang nagresulta sa unti-unting pagdami ng isda at pagkabuhay ng ibat-ibang klase ng likas na yaman sa katubigan.

Nakasaad sa katuruang panlipunan ng simbahan, bagamat sang-ayon itong kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang ang kita nito’y nakakamit nang hindi naaapektuhan ang bawat mamamayan lalong-lalo na ang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 84,087 total reads

 84,087 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,928 total reads

 161,928 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,376 total reads

 195,376 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,674 total reads

 230,674 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,891 total reads

 453,891 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,923 total reads

 157,923 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top