Malawakang internal cleansing, hamon ng CHR sa PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 709 total reads

Magsasagawa ng motu propio investigation ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamamaril ng isang pulis sa isang 52-taong gulang na babae sa Barangay Greater Fairview, Quezon City noong ika-31 ng Mayo, 2021.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, nakababahala at nakadidismaya ang panibagong insidente kung saan mismong mga pulis na dapat sana’y naglilingkod at nagbibigay proteksyon sa mamamayan ang sila pang lumalabag sa karapatang pantao at kumikitil sa buhay ng mga sibilyan.

“This incident is gravely concerning as we expect our police to “serve and protect,” and not be at the frontlines of violating rights, let alone arbitrarily curtailing one’s right to life.”pahayag ni de Guia.

Kaugnay nito, hinimok ni de Guia ang Philippine National Police na paigtingin ang isinasagawang internal cleansing upang hindi na muling maulit pa ang mga ganitong uri ng insidente.

Sinabi ni de Guia na hindi sapat ang pagsasagawa ng internal cleansing sa halip ay wakasan ng pamunuan ng P-N-P ang mga kaso ng human rights violation ng mga pulis laban sa mga sibilyan.

Iginiit din ng tagapagsalita ng C-H-R na kinakailangan tugunan ng P-N-P at pamahalaan ang mga kasong kinasasangkutan ng mga alagad ng batas sa halip na maging ningas-cogon lamang sa nagaganap na karahasan.

“After a string of recent deaths and killings being attributed to police officers, we urge the PNP to translate commitments of internal cleansing into actual reduction of cases of human rights violations on the ground. One death is one too many. We urge the government to address these violations with the larger view that the protection of human rights is primarily a state obligation.” dagdag pa ni Atty. De Guia.

Ang pahayag ng komisyon ay kasunod ng panibagong insidente na pamamaril ng pulis na nakilalang si Police Master Sergeant Hensie Zinampan sa 52-taong gulang na si Lilibeth Valdez sa Barangay Greater Fairview, Quezon City na nakuhanan ng video at inupload sa social media.

Naunang umapela sa pamunuan ng P-N-P ang mga Obispo ng Simbahang Katolika na magsagawa ng internal cleansing at suriin ang katapatan, kredibilidad at abilidad ng nasa higit 190,000 mga pulis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 83,846 total reads

 83,846 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,693 total reads

 161,693 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,141 total reads

 195,141 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,439 total reads

 230,439 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,663 total reads

 453,663 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top