Kaligtasan ng lahat sa bagyong Dante, panalangin ni Bishop Ocampo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,082 total reads

Hinihiling ni Gumaca Bishop Victor Ocampo ang kaligtasan ng lahat sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Dante.

Ayon sa Obispo, higit na kailangan ngayon ng mga tao ang awa’t habag ng Panginoon upang makamtan ang hinihiling na kaligtasan.

Inihalintulad ni Bishop Ocampo sa unang pagbasa ngayong araw ang sitwasyon ng mga taong higit na apektado ng kalamidad at pandemya.

“Tulad ng unang pagbasa ngayong araw, sina Tobit at Sara ay nasa kalagayan ng desperado. Wala na silang mapupuntahan kundi ang Panginoong Diyos, at ‘yung kanilang unang tinumbok sa katangian ng ating Panginoong Diyos ay ang Kanyang habag,” mensahe ni Bishop Ocampo sa Radio Veritas.

Dalangin naman ng Obispo na nawa’y makamtan ng mga higit na nasalanta ng bagyo ang patuloy na kaligtasan upang hindi na makadagdag pa sa lubos na paghihirap dulot ng pandemya.

Gayundin, nawa ay magkakaroon ng matatag na kalooban ang bawat isa upang muling makayanang harapin ang mga pagsubok ng buhay, maging ang pagiging bukas-palad para sa mga higit na nangangailangan ng tulong at kalinga.

“Buong puso kaming tumatawag sa inyo para sa aming kaligtasan, lalung lalo na sa mga nabalitang nabiktima ng baha na sa kanilang paghihirap sa pandemya ay nadagdagan pa ang kanilang kahirapan… Sa pagkabatid namin sa inyong habag, kami po ay maging malakas at makatindig kaming muli nang may pag-asa, may sigla na haharap muli sa mga pagsubok na ito. at nagpapasyang maging bukas palad kami sa pangangailang ng iba,” panalangin ni Bishop Ocampo.

Samantala, ibinahagi naman ng Obispo na hindi gaano naramdaman ang epekto ng bagyong Dante sa kinasasakupan ng Diyosesis, ngunit mayroon namang nakahandang plano bilang pag-iingat sa mga posibleng mangyari sa gitna ng kalamidad.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa baybayin ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Nanatili ang lakas ng hangin nito na aabot sa 65 kilometers per hour mula sa sentro ng bagyo at may pagbugsong aabot sa 90 km/h sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 89,949 total reads

 89,949 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,268 total reads

 167,268 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 200,716 total reads

 200,716 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,015 total reads

 236,015 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,036 total reads

 459,036 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,102 total reads

 158,102 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top