Kumilos na ngayon para sa kalikasan, hamon ng CBCP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 668 total reads

Kinakailangan ang sama-samang pakikisangkot ng bawat isa upang lubos na maisakatuparan ang mga plano sa pagpapanatili ng ating nag-iisang tahanan.

Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio hinggil sa paggunita sa World Environment Day na may paksang ‘restoring ecosystem’ at Philippine Environment Month ngayong Hunyo.

Ayon kay Bishop Florencio, na siya ring Vice Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, naaangkop ang paksa ng pagdiriwang sa panawagan ng kasalukuyang panahon kung saan nababatid na ang epekto ng kapabayaan ng mga tao sa ating likas na yaman.

Iginiit ng Obispo na kung hindi tayo kikilos upang mapangalagaan ang ating inang kalikasan, tiyak na ang epekto nito ay lalong magpapahirap sa bawat isa lalong-lalo na sa mga nasa mahihirap na komunidad.

“Let us rally behind the project of the World Environment Day – it is indeed the call of our present times. We need to collaborate together because we are talking about our common home. Unless we act now we cannot afford to reverse the effects of what is happening with our home,” bahagi ng mensahe ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, panawagan naman ni Bishop Florencio na bagamat ang buong mundo ngayon ay patuloy na nakikipagsapalaran sa epekto ng pandemya, hindi nito dapat mahadlangan ang pangangalaga natin sa ating inang kalikasan.

Paliwanag pa ng opisyal na hindi rin lamang sa malalaking programa nagsisimula ang pangangalaga sa kalikasan, bagkus ang maliit na paraan at pagkilos ay malaking bagay na upang unti-unting maipalaganap ang pagmamalasakit sa ating nag-iisang tahanan para na rin sa susunod na henerasyon.

“I would like to ask you on behalf of our future generations. We need not do the big and huge programs as safeguarding the common home but we can always do the little things that are necessary for keeping, respecting and loving our common home. Ito po ay mahalaga Sa atin minute by minute… Kahit nasa pandemic tayo we can do this just the same,” saad ni Bishop Florencio.

Magugunitang sa Laudato Si ni Pope Francis, hinihikayat nito ang bawat isa na simulan sa pagbabago ng lifestyle ang ecological conversion na kinakailangan ng mundo, at dito naman magmumula ang community conversion o pagkakaisa ng bawat mamamayan para sa iisang adhikaing pangalagaan ang sangnilikha.

Taong 1972 nang ilunsad ng United Nations General Assembly ang World Environment Day sa unang araw ng Stockholm Conference on the Human Environment upang ipalaganap ang kamalayan hinggil sa wastong pagkilos at pangangalaga sa kalikasan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 56,230 total reads

 56,230 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 108,510 total reads

 108,510 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 229,090 total reads

 229,090 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 279,448 total reads

 279,448 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 404,259 total reads

 404,259 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 234,316 total reads

 234,316 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top