Stella Maris Philippines, nag-alay ng panalangin sa dinukot na Filipino seafarer Gulf of Guinea

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 767 total reads

Nag-alay ng panalangin ang Stella Maris – Philippines para sa kaligtasan ng mga marino sa kanilang paglalayag sa karagatan.

Sa pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Bishop-promoter ng Apostleship of the Sea/Stella Maris – Philippines kinilala nito ang dedikasyon ng mga seafarers sa paghahanapbuhay sa kabila ng matinding panganib lalo na sa Gulf of Guinea na maraming pirata.

“We, at Stella Maris-Philippines, pray and hope for the greater protection of that area from sea pirates,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa pagdukot ng mga pirata sa crew member ng isang fishing vessel malapit sa Benin sa Gulf of Guinea nitong Hunyo 1.

Ayon kay Bishop Santos, lubhang mapanganib ang ruta ng mga barko sa Gulf of Guinea na may biyaheng Senegal patungong Angola sapagkat maraming insidente ng pagdukot sa nasabing lugar.

Umaasa ang opisyal ng Stella Maris Philippines na paigtingin ng mga awtoridad ang imbestigasyon at panagutin sa batas ang mga responsable sa karahasan.

“We also pray that the concerned civil authorities and international communities will continue to work hand in hand for the promotion of rule of law, so that those pirates be arrested, tried and prosecuted,” ani Bishop Santos.

Sa ulat ng Ghanian police limang kawani ng fishing vessel ang dinukot na kinabibilangan ng apat na Koreano at isang Filipino.

Puspusan ngayon ang isinasagawang rescue operations upang iligtas sa panganib ang dinukot na mga crew at makauwi sa kani-kanilang pamilya.

Nag-alay na rin ng panalangin at Banal na Misa ang Stella Maris – Philippines para sa kaligtasan ng mga biktima.

Kinilala ni Bishop Santos ang dedikasyon ng mga seafarers sa kabila ng hirap ng kanilang trabaho at hiniling ang paggabay ng Mahal na Birhen para sa kaligtasan ng kanilang paglalayag.

“We consistently recognize their dedication and determination for the successful completion of their sea voyage. We pray for them and remember them in our Holy Masses, invoking our Blessed Mother Mary whom we lovingly have as our Star of the Seas, to take our seafarers under her maternal care and embrace, keeping them safe, strong and sound in mind and body,” ani ng obispo.

Sa tala ng International Maritime Bureau, mahigit sa 95 porsyentong global maritime kidnappings noong 2020 ang nangyari sa Gulf of Guinea o 130 sa kabuuang 135 kaso ng pagdukot.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 56,031 total reads

 56,031 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 108,179 total reads

 108,179 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 228,759 total reads

 228,759 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 279,117 total reads

 279,117 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 403,947 total reads

 403,947 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top