Sambayanang Filipino, hinimok ng opisyal ng CBCP na magpabakuna na laban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 483 total reads

Hinihikayat ni Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mamamayan na magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Si Bishop Mangalinao, na siya ring Vice-Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs ay nakumpleto na ang ikalawang dose ng Pfizer BioNTech COVID-19 vaccine nitong Hunyo 9, 2021.

Ayon sa Obispo, bukod sa wala itong naramdamang side effects matapos na mabakunahan, nagdulot ito ng tuwa at kapanatagan sa kanyang sarili dahil mayroon na itong proteksyon laban sa COVID-19.

“Sa awa ng Diyos ay wala namang after side effects maliban sa parang mabigat ang balikat kung saan in-injection’an. Pero pagkatapos nun ay wala akong naramdamang katulad nang sa iba,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nagpapasalamat naman sa Diyos si Bishop Mangalinao dahil mababa ang bilang ng mga positibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino.

Inihayag ng Obispo na marahil ito’y dahil sa malinis at maaliwalas na kapaligiran na nagdudulot ng sariwang hangin para sa mga residente na nakatutulong upang mapigilan ang paglaganap ng virus sa dalawang lalawigan.

“Napaka-pinagpala ng probinsiya ng Quirino at Nueva Vizcaya dahil napakaganda ng kapaligiran, ng kalikasan. Dahil dito ang hangin talaga ay sariwa, ang mga puno ay nagbibigay-lilim at linis sa hangin… Ito ang nagiging daan upang mapigilan ang pagdami ng infection sa coronavirus,” saad ng Obispo.

Unang inihayag ni CBCP-President Davao Archbishop Romulo Valles ang kahandaan ng mga Obispo sa bansa na magpabakuna upang magkaroon ng tiwala ang mamamayan sa vaccine campaign ng pamahalaan.

Sa tala ng Department of Health, kasalukuyang umabot na sa 1.28-milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan umabot na rin sa mahigit 22-libo ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 61,846 total reads

 61,846 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 157,869 total reads

 157,869 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 202,137 total reads

 202,137 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 225,246 total reads

 225,246 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 297,678 total reads

 297,678 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,145 total reads

 146,145 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top