CHR, inaanasahan ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total reads

Naniniwala ang Commission on Human Rights (CHR) na mahalagang makipagtulungan ang pamahalaan sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs sa Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia sa paghingi ni outgoing International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda ng judicial authorization sa Pre-Trial Chamber ng ICC upang maipagpatuloy ang imbestigasyon ng mga karahasang naganap sa Pilipinas.

Ayon Atty. De Guia, bilang tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa bansa naniniwala ang kumisyon na mahalaga ang partisipasyon ng pamahalaan sa paghahanap ng katotohanan at katarungan para sa lahat ng mga biktima ng iba’t ibang human rights violation sa bansa.

“CHR, as the country’s independent national human rights institution, continues to advise the present Philippine government to participate in this process of seeking truth and justice for the human rights violations committed in the country.” pahayag ni de Guia.

Paliwanag ni Atty. De Guia, dapat na maipamalas ng kasalukuyang administrasyon ang transparency at kahandaang makipagtulungan upang mapanagot ang mga nasa likod ng mga serye ng karahasan na may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga

“There is a need for the present administration to demonstrate genuine openness, transparency, and cooperation in its engagement with human rights investigation and accountability mechanisms, including that of the UN system, in improving the human rights situation in the country.” Dagdag pa ni Atty. De Guia.

Una ng pinuri ng CHR ang desisyon at kahandaan ang panibagong liderato ng Philippine National Police na makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon ng Department of Justice para sa mga kaso ng marahas na implementasyon ng War on Drugs ng pamahalaan kung saan tinatayang aabot sa 30,000 ang nasawi.

Samantala, binigyang diin naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi makikipagtulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC hanggang matapos ang termino nito sa June 30, 2022.

Sa kabila nito nanindigan si Bensouda na bagama’t naging epektibo ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong Marso 17, 2019 ay nananatili pa rin ang hurisdiksyon ang ICC sa mga krimeng nangyari sa bansa noong panahong saklaw pa ito ng korte mula November 1, 2011 hanggang March 16, 2019.

Matatandaang mariin ang pagkundina ng Simbahang Katolika sa bansa sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 149,931 total reads

 149,931 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 222,964 total reads

 222,964 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 256,412 total reads

 256,412 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 291,711 total reads

 291,711 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 512,423 total reads

 512,423 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top