Pangalagaan ang kalikasan, panawagan ng Apostolic Nuncio to the Philippines sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,955 total reads

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mananampalataya na isabuhay ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pangalagaan ang kalikasan.

Sa pagninilay ng nuncio sa isinagawang Popes Day mass sa Manila Cathedral binigyang diin nito ang pagkakaugnay ng ‘moral and environmental beauty’ kung saan tungkulin ng bawat kristiyano ang pagtataguyod sa kalikasan. Sinabi ng arsobispo na gampanin ng mamamayan ang igalang ang nilikha ng Diyos sapagkat ito ay kaloob sa sanlibutan.

“We’re also called to respect the beauty of God’s creation around us in nature; we cannot fail to be concerned when we see environmental degradation around us,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Binigyang diin ng nuncio ang mabubuting halimbawa ni St. Francis sa pangangalaga ng kapaligiran na naging inspirasyon ng Santo Papa sa paglikha sa ensiklikal na Laudato Si.

Paliwanag pa nito na inilalarawan sa Salita ng Diyos ang kagandahan ng mundo na nilikha ng Panginoon at ang kabutihan ng Diyos sa sangkatauhan.

“Scripture invites us to see nature as a magnificent book in which God speaks to us and grants us a glimpse of His infinite beauty and goodness,” ani ng arsobispo.

Bukod dito binigyang pansin din ni Archbishop Brown ang mga dakilang gawa nina Apostol San Pedro at San Pablo sa pagsasabuhay sa mga turo ni Hesus at naging mabuting halimbawa ng mamamayan. Ang dalawang apostol ang tinaguriang haligi ng simbahang katolika na buong puso at katapatang sumunod sa kalooban ng Panginoon. Dahil dito hinikayat ng kinatawan ni Pope Francis ang bawat mananampalataya na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

“We, you and I, through the sacraments, through prayer, through acts of charity, we participate in God’s nature, God’s truth, God’s goodness, God’s beauty which is preparing us for the life of the world to come,” giit ni Archbishop Brown.

Kasabay ng pagdiriwang ng Popes Day ay pormal namang inanunsyo ng nuncio ang pagkakatalaga kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang Apostolic Vicar ng Taytay Palawan at Diocese of Malaybalay Administrator Msgr. Noel Pedregosa bilang bagong obispo ng Malaybalay.

Ang Popes Day ay taunang ginugunita ng simbahang katolika tuwing Hunyo 29 sa dakilang kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,222 total reads

 79,222 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,379 total reads

 157,379 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,827 total reads

 190,827 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,123 total reads

 226,123 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,479 total reads

 449,479 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top