Mga Pari, hinimok na magkaroon ng maayos na ugnayan sa PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 727 total reads

Hinihikayat ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang lahat ng mga pari sa bansa na magkaroon ng maayos na ugnayan sa pagitan ng pulisya upang mapanatili at maisakatuparan ang hinahangad na kapayapaan para sa bansa.

Ayon kay Bishop Florencio, ang pagkakaroon ng maayos na ugnayan sa pagitan ng simbahan at pulisya ay makatutulong upang maayos na paglingkuran ang mamamayan at mananampalataya tungo sa mapayapa at maunlad na lipunan.

“Hinikayat namin ang mga pari to engage themselves with the police… At the same time ‘yung engagement ng mga pulis also with the Parish Priest. Kasi they are serving the same people, they are having the same desire which is peace and development and sustainability,” bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay ito sa nilagdaang Memorandum of Understanding ng “Ugnayan ng Simbahan at Pulisya” o USAP na layong magkaroon ng maayos na ugnayan at pagtutulungan ang simbahan at pulisya, gayundin ang pagpapahalaga at pagbibigay-pansin sa moral at espiritwal na kapasidad ng mga pulis.

Sinabi ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar na ang pagiging maka-Diyos ang kanilang sandigan upang maisabuhay ang lahat ng mga aral mula sa Diyos na kanilang instrumento sa pagiging mabuting lingkod ng bayan.

“One of the core values of the PNP is “Makadiyos”, which manifests our strong will to communicate with God and live by his teachings and to actualize His wisdom in the everyday fulfillment of our job as police officers and public servants,” ayon kay General Eleazar.

Pinangunahan ni General Eleazar ang paglagda sa kasunduan kabilang si Cubao Bishop Honesto Ongtioco bilang kinatawan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, kasama ang Imam Council of the Philippines, National Council of Churches in the Philippines, at Philippine Council of Evangelical Churches.

Kasabay nito’y inilunsad rin ng PNP Chaplain Service ang e-Gabay program na naglalayong mabigyan ng psycho-spiritual needs ang mga kawani ng pulisya na nangangailangan ng makakausap hinggil sa mga suliranin sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,217 total reads

 77,217 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,455 total reads

 155,455 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,902 total reads

 188,902 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,199 total reads

 224,199 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,641 total reads

 447,641 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,731 total reads

 157,731 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top