Alert level 3, itinaas sa Bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 860 total reads

Itinaas na sa Alert level 3 o magmatic unrest ang bulkang Taal matapos itong lumikha ng phreatomagmatic plume na aabot sa isang-kilometro ang taas.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang phreatic explosion kaninang alas-3:16 hanggang 3:21 ng hapon, kung saan wala naman itong naitalang volcanic earthquake.

Nangangahulugang ito ay indikasyon ng magmatic intrusion sa mismong crater ng bulkang Taal na maaaring magresulta sa mga pagsabog nito.

Mahigpit namang hinihikayat ng PHIVOLCS na magsilikas na ang mga residenteng naninirahan sa Taal Volcano Island, maging ang mga nasa mapanganib na barangay ng Agoncillo at Laurel, Batangas bunsod ng mga posibleng panganib dulot ng mga pagsabog at volcanic tsunami.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa Volcano Island o Permanent Danger Zone upang maiwasan ang mga aksidente na maaaring magmula sa aktibidad ng bulkan.

Magugunitang noong Enero 12, 2020 nang nagsimulang maganap ang phreatic eruption o ang pagbuga ng abo mula sa Bulkang Taal.

Samantala, nauna nang tiniyak ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission ang kahandaan kaugnay sa pinangangambahang pagsabog ng bulkang Taal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 74,344 total reads

 74,344 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,718 total reads

 152,718 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 186,166 total reads

 186,166 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,463 total reads

 221,463 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,992 total reads

 444,992 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,643 total reads

 157,643 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top