Filipino Priests sa Roma, nagpaabot ng pagbati kay Bishop Pabillo at Bishop-elect Pedregosa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 597 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang mga Filipinong pari sa Roma sa pagtatalaga ng Santo Papa Francisco sa dalawang pinuno ng simbahan sa Pilipinas.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, Rector ng Pontificio Colegio Filipino, isang biyaya ang pagtatalaga ng Santo Papa kina Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa Apostolic Vicariate ng Taytay Palawan at Bishop-elect Noel Pedregosa sa Malaybalay.

“Nagpapasalamat tayo sa kanya (Pabillo) na matagal siya d’yan sa Manila sa lahat ng mga nagawa niya at sa kanyang patuloy na panalangin para sa atin. Sa Bukidnon din sa Mindanao ay may bagong Obispo din sila si Fr. Pedregosa, siya ang dating namamahala sa diyosesis no’ng wala pang Obispo at siya ay ginawang Obispo ng Malaybalay. Kaya ipinagdarasal natin si Bishop Pabillo at si Bishop Noel,” ayon kay Fr. Gaston.

Ang pagtatalaga ay inanunsyo ng Santo Papa Francisco sa ginanap ng pagdiriwang ng Pope’s Day sa Vatican.

Kasabay pista ng Sts. Peter and Paul, ipinagdiwang din ni Pope Francis ang paggawad ng pallium sa mga bagong Arsobispo.

Kabilang sa mga tatanggap ng pallium ayon kay Fr. Gaston si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na iniluklok noong June 24 sa Manila Cathedral.

Si Cardinal Advincula ay hindi nakadalo sa pagtanggap ng pallium dulot na rin ng pananatiling banta ng pandemya.

Ang pallium ay piraso ng tela o lana na iginagawad sa mga Arsobispo na sumisimbolo sa kaisahan ng bawat pinuno ng arkidiyosesis sa buong mundo sa Santo Papa.

Sa taong 2021, may tatlong pinuno sa simbahan ng Pilipinas ang hinirang ni Pope Francis upang punan ang sede vacante.

Marso nang italaga ang Kaniyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Maynila.

Magkasabay namang itinalaga sina Bishop Pabillo at Bishop-elect Pedregosa sa Taytay Palawan at Diyosesis ng Malaybalay.

Ang pagtatalaga ng mga bagong pinuno ay naisakatuparan sa loob ng panunungkulan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na itinalaga sa bansa noong 2020.

Sa kasalukuyan, mula sa anim na sede vacante, may apat pang pastoral jurisdiction sa Pilipinas ang walang Obispo -ang Arkidiyosesis ng Capiz, Diyosesis ng Alaminos, Apostolic Vicariates ng Calapan at San Jose Mindoro.

Sa panunungkulan din ng bagong Nuncio nang hiranging Cardinal si dating Capiz Archbishop Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 13,894 total reads

 13,894 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 45,167 total reads

 45,167 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 124,359 total reads

 124,359 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 218,585 total reads

 218,585 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 278,612 total reads

 278,612 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top