Pagkahalal ng bagong pinuno ng OFM, simbolo ng bagong pag-asa at oportunidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 691 total reads

Inihayag ng opisyal ng Franciscan Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC) na isang oportunidad ng higit pang paglilingkod sa kapwa ang pagkahalal ng bagong pinuno ng Order of Friars Minor.

Ayon kay Franciscan Fr. Angelito Cortez, vice director ng JPIC Office sa Roma, ito ay tanda ng pag-asa lalo na sa gitna ng pandaigdigang krisis na kinakaharap ng mamamayan upang mas pag-alabin ang paglingap sa kapwa.

“Ang paghirang ng aming bagong Minister General ay tanda ng pagbubukas ng mga bagong opurtunidad upang aming pagigihin ang aming paglilingkod lalong lalo na sa mga kapus palad,” pahayag ni Fr. Cortez sa Radio Veritas.

Matatandaan sa ginanap na OFM General Chapter 2021 sa Roma nahalal si Fr. Massimo Fusarelli bilang minister general ng Order of Friars Minor.

Sinabi ni Fr. Cortez na ang pagkahalal ni Fr. Fusarelli bilang mamumuno sa O-F-M ay pagkakataon din upang sariwain ng mga kapwa Franciscano ang sinumpaang tungkulin na maglingkod sa kapwa lalo na sa mga kapus-palad at naisasantabi sa lipunan.

“Ito ay isang yugto sa aming kapatiran upang tingnan ang aming kasalukuyang kalagayan at kalidad ng buhay, sabi nga ng aming amang si San Fransisko ‘mga kapatid tayo ay magsimulang muli sapagkat hanggang ngayon wala pa tayong nasisimulan’,” saad ni Fr. Cortez.

Pinagtibay naman ni Cardinal João Braz de Aviz, Prefect ng Congregation for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life ang pagkahalal ni Fr. Fusarelli na mamumuno sa Franciscan community ng anim na taon (2021 – 2027).

Si Cardinal Aviz ang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang Cardinal Delegate sa pandaigdigang pagtitipon ng mga Franciscano.

Si Fr. Fusarelli ang ika – 121 pinuno ng OFM mula kay San Francisco ng Assisi ang nagtatag ng kongregasyon noong ika -13 siglo sa Italya.

Tinanggap ni Fr. Fusarelli ang Franciscan habit noong 1982 sa edad na 19 taong gulang, 1989 naman ng isagawa ang kanyang solemn vow profession habang naordinahang pari ng parehong taon.

Nagtapos ng theology sa Pontifical University of St. Anthony sa Roma at tumanggap ng licentiate in patristic studies Augustinian Patristic Institute.

Ilan sa katungkulan ng pari bago mahalal na minister general ang pagiging general secretary ng formation and studies mula 2003 hanggang 2009, general visitor sa Province of Naples para sa unification process sa mga provinces ng northern Italy at provincial minister ng Province of St. Bonaventure mula noong Hulyo 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,282 total reads

 38,282 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,035 total reads

 74,035 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,305 total reads

 300,305 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,773 total reads

 193,773 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,744 total reads

 285,744 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top