DOH, nagbabala sa panganib ng leptospirosis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 594 total reads

Nagbabala si infectious disease expert Dr. Eric Tayag hinggil sa muling banta ng leptospirosis ngayong tag-ulan.

Ayon kay Dr. Tayag, director ng Department of Health Knowledge Management and Information Technology Service ang leptospirosis ay sanhi ng bacteria na makikita mula sa ihi ng daga.

Makukuha ito sa mga binabahang lugar na hindi maaayos ang pagkolekta sa mga basura na nagiging dahilan ng pamamahay ng mga daga.

“Una, hindi ito sakit na nakakahawa. Pangalawa, ito ay nakukuha kung tayo ay nakababad sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga,” bahagi ng pahayag ni Dr. Tayag sa panayam ng Radio Veritas.

Mapanganib ang leptospirosis sa mga may sugat sa bahagi ng binti hanggang paa, dahil dito papasok ang bacteria na nagmumula sa ihi ng daga.

Maaaring maging sintomas ng leptospirosis ang pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng mga kalamnan, paninilaw ng mga mata, at bahagyang pag-itim ng kulay ng ihi.

May posibilidad rin itong magdulot ng komplikasyon sa internal organs tulad ng kidney o bato at lungs o baga.

“Ang delikado sa leptospirosis ay pwedeng maapektuhan ‘yung ating bato, kung saan bukod sa kulay tsaa ‘yung ihi ay halos hindi ka na umiihi. Hindi magandang senyales ‘to kasi ibig sabihin n’yan, kailangang magdialysis para umihi kang muli. Pangalawa, ‘yung iba naman ay sumusuka ng dugo kasi ang leptospirosis ay tinatamaan din ang ating lungs o baga,” ayon kay Dr. Tayag.

Payo naman ni Dr. Tayag na kung talagang hindi maiiwasan, pagkatapos na lumusong sa baha, agad na hugasan ng tubig at sabon ang nabasang bahagi at tuyuin ito. Mas makabubuti ring magsuot ng bota at huwag magsuot ng maikling damit-pambaba upang maiwasan ang direktang pagkakaroon ng leptospirosis.

“Kung maiiwasan, huwag tayong lumusong sa baha. Subalit, marami tayong kababayang talagang lulusong sa baha kaya makakabuti at makakatulong kung tayo ay mayroong bota… Huwag rin tayo lumusong nang naka-short. Mas magandang naka-pantalon, kahit papaano ay mababawasan ‘yung sinasabi nating infection,” ayon kay Dr. Tayag.

Batay sa tala ng DOH, bumaba sa 66 na porsyento ang kaso ng leptospirosis sa bansa noong Enero hanggang Agosto nang nakaraang taon.

Dito’y naitala na sa 500 kaso sa mga nasabing buwan, 50-katao ang nasawi, na ang karamihan ay lalaki.

Samantala, patuloy naman ang pag-uulan na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon dulot ng pinagsanib na epekto ng bagyong Fabian at Tropical Depression Cempaka na pinaigting pa ng hanging Habagat o Southwest Monsoon.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 449 total reads

 449 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,046 total reads

 5,046 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,106 total reads

 43,106 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,377 total reads

 269,377 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,842 total reads

 162,842 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,601 total reads

 256,601 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,426 total reads

 150,426 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top