PAG-IBIG, pinalawig ang serbisyo sa OFWs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total reads

Pinalawig ng Pag-IBIG Fund ang paglilingkod sa mamamayan lalo na sa mga Overseas Filipino Workers.

Inilunsad ng institusyon ang Pag-IBIG Virtual Office nitong July 23, 2021 na layong higit na maabot ang mga kasaping nasa ibayong dagat lalo’t umiiral pa rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang restrictions dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario ito ay bahagi ng pagpapaigting sa serbisyo publiko alinsunod sa alituntunin ng administrasyong Duterte.

“With the Pag-IBIG Virtual Offices, our online service platform will provide service that transcends distance and time zones. Distance will no longer be a hindrance to service our OFWs. This is aligned with President Rodrigo Roa Duterte’s call to make government service responsive to the needs of the public by harnessing technology,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.

Buong galak ding ibinahagi ni Pag-IBIG Fund CEO Acmad Moti na bukas 24/7 ang virtual office ng institusyon kaya’t mas mabilis ang access ng mga OFW sa panahong may kailangan itong isangguni sa tanggapan.

Makikinabang sa nasabing programa ang mga Filipinong nasa North America (United States and Canada), United Kingdom & Ireland, United Arab Emirates, Kuwait, at Singapore.

Sinabi pa ni Moti na ito ay pagpapalawak ng serbisyo gamit ang makabagong teknolohiya para sa mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng Pag-IBIG Fund members.

“We know that our overseas Filipino workers deserve the best service from us. By harnessing technology and offering our services online, we are glad that we can give them the same type of service that our members here in the Philippines receive. And that is ‘tapat na serbisyo, mula sa puso,” giit ni Moti.

Nagtalaga ng mga kawani ang institusyon para pangasiwaan ang virtual office kung saan dumaan ito sa mga pagsasanay para sa epektibong pamamahala.

Una nang hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat lider ng mga bansa na magkaisang tugunan ang pangkaraniwang pangangailangan ng mamamayan at gamitin sa wastong pamamaraan ang teknolohiya sa kapakinabangan ng bawat indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 1,478 total reads

 1,478 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 39,873 total reads

 39,873 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,144 total reads

 266,144 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 159,609 total reads

 159,609 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 253,554 total reads

 253,554 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top