Pangulong Duterte, binigyan ng bagsak na grado ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 729 total reads

Binigyan ng bagsak na grado ng makakalikasang grupong Alyansa Tigil Mina ang pamumuno ng Administrasyong Duterte sa nakalipas na mga taon.

Ayon kay ATM National Coordinator, Jaybee Garganera, inilalarawan nilang isang malaking kabiguan ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa pagpapatupad ng mga batas para sa pangangalaga sa kalikasan.

Tinukoy ni Garganera ang Department of Environment and Natural Resources na dapat manguna sa pangangalaga sa kalikasan, ngunit hindi ito ang naging layunin ng kagawaran partikular na pagpapahintulot na muling makapagsagawa ng pagmimina sa bansa.

“Dismayado kami kasi binaliktad na lahat ng DENR sa ilalim ni Roy Cimatu ang mga polisiya sa pagmimina. So mas mabilis na ang pagpayag sa mga mining contracts at mas marami nang minahan ang papayagan,” bahagi ng pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ni Garganera na ang Pilipinas pa rin ang pinaka-mapanganib na bansa para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan sapagkat hindi binibigyang-pansin ng Administrasyong Duterte ang pangangalaga sa karapatang pantao, partikular na sa mga environmental activist.

“Palpak at halos naging inutil din ang gobyerno para pangalagaan ang karapatang pantao lalo na nung mga environmental activist. Pinakadelikadong bansa pa rin ang Pilipinas para sa mga naninindigan para sa kalikasan,” saad ni Garganera.

Samantala, hindi na rin kumbinsido ang grupo na sa natitirang isang taong termino ni Pangulong Duterte ay mabibigyan pa ng pansin ang pangangalaga sa kalikasan, lalong-lalo na sa karapatang pantao.

Sinabi ni Garganera na mas pagtutuunan ng pamahalaan ngayon ang economic recovery mula sa epekto ng pandemya na ang una ring maaapektuhan ay ang likas na yaman ng bansa.

“Wala na kaming pag-asa na magbabago pa ang pananaw tsaka ‘yung kilos nitong Duterte Administration pagdating sa kalikasan… Isasakrispisyo ang mga gubat, tubig, mga taniman, ‘yung ating mga pangisdaan para lang doon pumunta ang mga puhunan, ang mga korporasyon kasi nananaig ngayon sa Administrasyong Duterte ‘yung usaping economic recovery,” ayon kay Garganera.

Kaugnay nito, ngayon ang ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte na hudyat din ng huling isang taong termino ng administrasyon nito.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,528 total reads

 2,528 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,524 total reads

 8,524 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,196 total reads

 46,196 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,466 total reads

 272,466 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,932 total reads

 165,932 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,542 total reads

 259,542 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,556 total reads

 150,556 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top