Mga pulitiko, hinamong gamitin ang public funds sa mga apektado ng pandemya hindi sa pangangampanya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total reads

Nananawagan si Fr. Victor Sadaya, CMF, Executive Director ng Porta Coeli Center for Psychotrauma Management and Counseling sa mga pulitiko na gamitin ang kanilang mga pondo upang tulungan ang mga nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.

Hamon ni Fr. Sadaya, na siya ring General Manager ng Radio Veritas Asia sa mga pulitiko na gamitin ang public funds sa mga apektado ng pandemya sa halip na ibuhos ito sa pangangampanya.

“May mga politicians ngayon na hinahanda ‘yung kanilang resources para sa kampanya. I think the best way to do the campaign is to reach out the people and we help them. Ito ‘yung pinakamagandang panahon para magkampanya sila. Hindi para to get the attention of the people,”pahayag ni Fr. Sadaya sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na ngayong pandemya ay suliranin ng maraming Filipino lalo na ng mga mahihirap kung papaano nila maitatawid ang pang-araw-araw na pamumuhay sa gitna ng umiiral na krisis.

Kaya naman hinihiling ni Fr. Sadaya na nawa’y sikapin ng pamahalaan na maibigay ang mga pangangailangan ng mamamayan nang sa gayon ay maramdaman ng mga tao ang pag-asa sa kabila ng pandemya.

“Kaya importante rin talaga kung pwede ang gobyerno, kung ano man ang may pondo pa na talagang ‘yung sa loob ng dalawang linggong lockdown ay talagang matugunan ‘yung mga pangangailangan ng mamamayan. Ito na ‘yung panahon na kailangang magsakripisyo lahat e. Kasi maraming nagsasakripisyo lalo ang mga mahihirap,” ayon kay Fr. Sadaya.

Batay sa huling ulat ng World Bank, inaasahang tataas ng 21-porsyento ang national poverty rate ng Pilipinas sa taong 2020 mula sa 16.7-porsyento noong 2018, bunsod ng patuloy na pag-iral ng krisis dulot ng COVID-19 Pandemic.

Ayon naman sa pagsusuri, ang ipapatupad na Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at iba pang high-risk area simula Agosto 6 hanggang 20 ay magdudulot ng 177,000 pagtaas sa bilang ng mga maghihirap na Filipino habang 444,000 naman ang mawawalan ng trabaho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 85,517 total reads

 85,517 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,218 total reads

 163,218 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 196,666 total reads

 196,666 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 231,964 total reads

 231,964 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,128 total reads

 455,128 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,964 total reads

 157,964 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top