Pamahalaan, itataas sa 80-porsiyento ang bibigyan ng COVID-19 vaccine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total reads

Pinag-aaralan ng pamahalaan ng Pilipinas na itaas sa 80 mula sa 70-porsyento ang bilang ng mga bibigyan ng COVID-19 vaccine dahil sa patuloy na banta ng mas nakakahawa at mapanganib na COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nangangahulugan itong maaari nang makatanggap ng bakuna laban sa virus ang mga indibidwal na nasa edad 18 pababa.

Gayunman, titiyakin muna ng pamahalaan na sapat ang bilang ng suplay ng mga bakuna, maging ang bisa nito bago ito ipamahagi sa mga kabataan.

“Pinag-aaralan pa ‘yan. We are cognizant of the fact that we really need to increase our targets but we will need to look at our vaccine supply and also at the efficacy of the different vaccines that will be considered,” ayon kay Cabotaje sa isinagawang online forum.

Samantala, sinabi naman ni DOH official Dr. Eric Tayag na sa kasalukuyan ay ang Pfizer vaccine pa lamang ang inaprubahan sa bansa na maaaring ibakuna sa mga kabataan, ngunit wala pa itong pormal na kautusan na maaari nang simulan ang pamamahagi nito.

Pagbabahagi ni Tayag na sa China ay sinimulan nang gamitin ang Sinovac vaccine para sa mga batang may edad na tatlong taong gulang, habang sa ibang mga bansa naman ay pinag-aaralan na ang Pfizer vaccine upang ipamahagi para sa mga nasa edad na dalawang taong gulang.

“Ang naaprubahan lang dito [sa Pilipinas] ay Pfizer, subalit sa bansang China, ‘yung Sinovac ginagamit na sa as young as three years old. Sa ibang bansa naman, nagsasagawa na ng pag-aaral yung Pfizer, gusto nila magsimula sa two years old,” pahayag ni Tayag sa panayam ng Radio Veritas.

Sa kasalukuyan, hinihikayat ng DOH ang mga kabataan na manatili sa tahanan upang hindi mahawa ng COVID-19.

Hinimok din ng opisyal ang bawat mamamayan na agad nang magpabakuna upang matiyak ang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 lalo’t higit sa banta ng mas mapanganib na Delta variant.

Batay sa huling ulat ng DOH, umabot na sa mahigit 20-milyon ang naipamahaging COVID-19 vaccine sa bansa, kung saan 11-milyon dito ang nakatanggap na ng unang dose, habang nasa higit 9-milyon naman ang nakatanggap na ng ikalawang dose at kumpleto na sa bakuna.

Umabot na rin sa kabuuang bilang na 216 ang kaso ng Delta variant sa bansa, kung saan 94 dito ang mga gumaling at 3 naman ang naitalang nasawi.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,321 total reads

 13,321 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,465 total reads

 14,465 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,527 total reads

 29,527 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 66,904 total reads

 66,904 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,174 total reads

 98,174 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,539 total reads

 173,539 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,340 total reads

 266,340 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,157 total reads

 74,157 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top