Lahat ng simbahan sa Diocese of Kalookan, naka-ready na maging anti-COVID vaccination site

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 450 total reads

Tiniyak ng Diyosesis ng Kalookan ang pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan para sa pagsasagawa ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan laban sa virus.

Ayon kay Fr. Rene Richard Bernardo, Health Care Priest Minister ng diyosesis, nakahanda at aktibo ang simbahan sa pagtulong at pamamahagi ng bakuna upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa banta ng nakakahawang sakit.

Saklaw ng Diyosesis ng Kalookan ang mga parokya mula sa mga lungsod ng Kalookan, Malabon, Valenzuela at Navotas.

“Lahat ng simbahan, actually, ang directive ni Bishop [Pablo Virgilio David] sa ministry at sa lahat ng kaparian is to open the churches. At kung saan kami pwedeng tumulong, ay talagang kami’y tutulong at nakahandang tumulong to expedite ‘yung mga numbers ng mababakunahan, at the same time ay yung maise-save na buhay,” bahagi ng pahayag ni Fr. Bernardo sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Bernardo na isa ring registered pharmacist, na sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit-kumulang limang libong Sinovac at AstraZeneca vaccines ang naipamahagi ng Diyosesis.

Kabilang naman sa mga naunang tumanggap ng vaccine ay ang mga pari ng diyosesis, religious, mission station chaplains, at iba pang mga volunteers na katuwang sa pagsasagawa ng vaccination program sa bawat parokya.

Pagbabahagi naman ng pari na bagamat marami sa mga parokyang sakop ng Diyosesis ang nais gawing vaccination facility, suliranin naman ng bawat lokal na pamahalaan ang kakulangan sa suplay ng bakuna.

“Actually, marami pang mga simbahan na kino-consider na maging vaccination site… Ang mga simbahan dito sa Diocese of Kalookan ay actively participating dito sa mga parish vaccination program. Kaya nga lang pagdating sa LGU, wala silang sapat na bakuna,” ayon kay Fr. Bernardo.

Samantala, mensahe naman ni Fr. Bernardo na maliban sa pananalangin na malunasan na ang umiiral na pandemya, dapat ring kumilos ang publiko nang naaayon para sa kaligtasan ng bawat isa laban sa banta ng nakakahawang sakit.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa… Naririyan ang awa ng Diyos na hindi tayo magkasakit pero kailangan din naman, on our part na may gawin tayo. The only way and the best solution para maingatan tayo, una ay magpabakuna; at ikalawa, of course, [pagsusuot ng] facemask, faceshield… at proper handwashing,” saad ng pari.

Batay sa ulat ng Department of Health, umabot na sa mahigit 20-milyon ang naipamahaging COVID-19 vaccine sa bansa, kung saan 11-milyon dito ang nakatanggap na ng unang dose, habang nasa higit 9-milyon naman ang nakatanggap na ng ikalawang dose at kumpleto na sa bakuna.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,325 total reads

 13,325 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,470 total reads

 14,470 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,536 total reads

 29,536 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 66,913 total reads

 66,913 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,183 total reads

 98,183 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,548 total reads

 173,548 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,348 total reads

 266,348 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,158 total reads

 74,158 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top