Mamamayan muling hinimok na magpabakuna laban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 373 total reads

Hinimok ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang bawat mamamayan na agad nang magpabakuna laban sa COVID-19 lalo na’t umiiral ngayon ang mas mapanganib at nakakahawang Delta variant.

Pagbabahagi ni Bishop Santos na ang lahat ng mga pari at relihiyoso ng Diyosesis, maging ang mga tauhan nito ay kumpleto na sa bakuna at mayroon nang karagdagang proteksyon bilang pag-iingat laban sa virus.

“All my clergy (64) in the Diocese, religious and diocesan are all vaccinated in two doses with Sinovac, AstraZeneca and Pfizer. All our Diocesan personnel are also vaccinated in two doses,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Maging ang lahat ng mga empleyado ng siyam na paaralan sa ilalim ng Diyosesis ng Balanga ay nakatanggap na rin ng unang dose ng COVID-19 vaccine, at inaasahang matatanggap ang ikalawang dose sa ikatlong linggo ng kasalukuyang buwan.

“Now our 332 teaching and non teaching personnel of all nine (9) diocesan schools are being vaccinated. Hopefully by the third week of August, all of them will be done,” ayon kay Bishop Santos.

Tiniyak rin ni Bishop Santos ang pakikipagtulungan ng Diyosesis sa vaccination program ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapagamit sa mga Catholic schools bilang vaccination facilities.

Samantala, sa kabutihang palad ay wala pa namang naitatalang nagpositibo sa COVID-19 sa mga pari ng Diyosesis ng Balanga, ngunit nito lamang nakaraang linggo ay isa sa mga pari ang nasawi dahil sa atake sa puso.

Batay sa tala ng Department of Health, nasa mahigit 20-milyon na ang naipamahaging COVID-19 vaccine sa bansa, kung saan 11-milyon dito ang natanggap na ang unang dose, habang nasa higit 9-milyon naman ang natanggap na ang ikalawang dose at kumpleto na sa bakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 72,428 total reads

 72,428 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,956 total reads

 150,956 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 184,404 total reads

 184,404 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 219,701 total reads

 219,701 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 443,294 total reads

 443,294 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,600 total reads

 157,600 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top