Lahat ng simbahan sa Diocese of Kalookan, naka-ready na maging anti-COVID vaccination site

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 418 total views

Tiniyak ng Diyosesis ng Kalookan ang pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan para sa pagsasagawa ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan laban sa virus.

Ayon kay Fr. Rene Richard Bernardo, Health Care Priest Minister ng diyosesis, nakahanda at aktibo ang simbahan sa pagtulong at pamamahagi ng bakuna upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa banta ng nakakahawang sakit.

Saklaw ng Diyosesis ng Kalookan ang mga parokya mula sa mga lungsod ng Kalookan, Malabon, Valenzuela at Navotas.

“Lahat ng simbahan, actually, ang directive ni Bishop [Pablo Virgilio David] sa ministry at sa lahat ng kaparian is to open the churches. At kung saan kami pwedeng tumulong, ay talagang kami’y tutulong at nakahandang tumulong to expedite ‘yung mga numbers ng mababakunahan, at the same time ay yung maise-save na buhay,” bahagi ng pahayag ni Fr. Bernardo sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Bernardo na isa ring registered pharmacist, na sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit-kumulang limang libong Sinovac at AstraZeneca vaccines ang naipamahagi ng Diyosesis.

Kabilang naman sa mga naunang tumanggap ng vaccine ay ang mga pari ng diyosesis, religious, mission station chaplains, at iba pang mga volunteers na katuwang sa pagsasagawa ng vaccination program sa bawat parokya.

Pagbabahagi naman ng pari na bagamat marami sa mga parokyang sakop ng Diyosesis ang nais gawing vaccination facility, suliranin naman ng bawat lokal na pamahalaan ang kakulangan sa suplay ng bakuna.

“Actually, marami pang mga simbahan na kino-consider na maging vaccination site… Ang mga simbahan dito sa Diocese of Kalookan ay actively participating dito sa mga parish vaccination program. Kaya nga lang pagdating sa LGU, wala silang sapat na bakuna,” ayon kay Fr. Bernardo.

Samantala, mensahe naman ni Fr. Bernardo na maliban sa pananalangin na malunasan na ang umiiral na pandemya, dapat ring kumilos ang publiko nang naaayon para sa kaligtasan ng bawat isa laban sa banta ng nakakahawang sakit.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa… Naririyan ang awa ng Diyos na hindi tayo magkasakit pero kailangan din naman, on our part na may gawin tayo. The only way and the best solution para maingatan tayo, una ay magpabakuna; at ikalawa, of course, [pagsusuot ng] facemask, faceshield… at proper handwashing,” saad ng pari.

Batay sa ulat ng Department of Health, umabot na sa mahigit 20-milyon ang naipamahaging COVID-19 vaccine sa bansa, kung saan 11-milyon dito ang nakatanggap na ng unang dose, habang nasa higit 9-milyon naman ang nakatanggap na ng ikalawang dose at kumpleto na sa bakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 91,370 total views

 91,370 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 121,593 total views

 121,593 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 148,242 total views

 148,242 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 243,215 total views

 243,215 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 258,236 total views

 258,236 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top