Mamamayan binalaan ng DOH sa panganib ng COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga ipinapatupad na minimum health protocols upang manatiling ligtas sa banta ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa huling pagsusuri ng DOH, University of the Philippines-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health, naitala ang 125 kaso ng Alpha variant, 119 na kaso ng Delta Variant, 94 na kaso ng Beta variant, at 11 kaso naman ng P.3 variant na hinango mula sa huling batch ng samples na isinaayos ng UP-PGC na umabot na sa kabuuang bilang na 10,473.

Bagamat mataas ang bilang ng kaso ng mayroong Alpha variant, mas pinangangambahan pa rin sa bansa ang patuloy na paglaganap ng Delta variant na mas higit na nakakahawa at mapanganib kumpara sa ibang COVID-19 variant.

Sa isinagawang press briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kumalat na sa buong National Capital Region ang kaso ng Delta Variant kung saan ang Las Pinas ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na umabot na sa 23, habang ang Marikina naman ang may pinakamaliit na bilang na nakapagtala lamang ng isang kaso.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang buong Metro Manila hanggang Agosto 20, gayundin ang lalawigan ng Laguna sa CALABARZON, Iloilo City sa Western Visayas, at Cagayan de Oro CIty sa Northern Mindanao hanggang Agosto 15. Batay sa huling tala ng DOH, umabot sa 10,623 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa — ang pinakamataas na bilang magmula noong maitala ang 11,101 na panibagong kaso noong Abril nang kasalukuyang taon.

Patuloy naman ang pakikipagtulungan at ugnayan ng simbahan sa pamahalaan sa pagsasagawa ng vaccination program upang mabigyan ng karagdagang kaligtasan ang publiko laban sa COVID-19 lalo’t higit sa banta ng Delta variant.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 78,297 total reads

 78,297 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 156,496 total reads

 156,496 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,943 total reads

 189,943 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 225,240 total reads

 225,240 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 448,630 total reads

 448,630 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,761 total reads

 157,761 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top