Malakas na immune system, pinakamabisang panlaban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 655 total reads

Naniniwala si Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc na mahalaga ang pagkain ng wasto at masusustansyang pagkain upang labanan ang anumang uri ng karamdaman kabilang na ang coronavirus disease.

Sa mensahe na ibinahagi ng obispo sa Radio Veritas, kinakailangan lamang ng tao na palakasin ang immune system upang makaiwas sa sakit. Sa pag-aaral ng mga eksperto, isa sa pinakadinadapuan ng COVID-19 ang mga taong mahina ang immune system.

“The most important thing to do now is to strengthen the immune system by eating healthy food and maintaining healthy lifestyles,” pahayag ni Bishop Dimoc sa Radio Veritas.

Sa kasalukuyang tala ng Mountain Province Provincial Health Office, umabot na sa 4,741 ang kabuuang kaso ng mga nahawaan ng COVID-19 sa lugar kabilang na ang 63 active cases.

Pagbabahagi ni Bishop Dimoc na bagamat walang bakuna noon, mataas ang naitatalang gumaling sa nakahahawang virus sa kanilang lugar na sa kasalukuyan nasa 4,596 o 96-porsyento sa total cases.

“Before the introduction ng vaccines, mataas ang recovery ng mga positive. Hence, the immune system can produce antibodies against COVID-19,” dagdag pa ng obispo.

Sinabi ni Bishop Dimoc na binibigyang prayoridad ng lokal na pamahalaan sa lugar ang pagbabakuna sa mga senior citizens at mga may comorbidities na higit na nangangailangan ng proteksyon laban sa virus.

Iginiit ng Obispo na higit na kinakailangan ang pag-iingat sa pangangatawan lalo na sa mga kinakain na magbibigay kalakasan sa kalusugan, sapagkat hindi sapat ang bakuna bilang pananggalang sa virus tulad ng pneumonia.

Sa kabila naman ng pagkakaroon ng bakuna, naitala ang mahigit 50-libong pagkasawi ng mga Filipino dahil sa naturang sakit noong 2018 ayon sa pag-aaral ng Statista Research.

Patuloy naman ang pagkilos ng simbahan sa pagpapalalim sa espiritwalidad at paghingi ng gabay sa Panginoon laban sa nararanasang krisis pangkalusugan dulot ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 78,309 total reads

 78,309 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 156,507 total reads

 156,507 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,954 total reads

 189,954 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 225,251 total reads

 225,251 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 448,641 total reads

 448,641 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,762 total reads

 157,762 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top