Installation ni Bishop Pabilllo, pangungunahan ni Bishop Mesiona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

Pangungunahan ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona ang pagtatalaga kay Bishop Broderick Pabillo bilang pinunong pastol ng Apostolic Vicariate ng Taytay Palawan.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo ibinahagi nitong limitado ang mga dadalo sa gagawing installation sa August 19, 2021 bilang pagsunod sa alituntunin ng community quarantine restrictions at pag-iingat sa coronavirus.

“Ang mag-install sa akin ay si Bishop Socrates Mesiona of Puerto Princesa, Bishop Edgardo Juanich will also be here. So basically, it is an all Palawan team,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo.

Nakatakdang pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagtatalaga kay Bishop Pabillo subalit nagkaroon ng pagbabago bunsod ng pag-iral ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region dahilan upang hindi makadalo si Cardinal Advincula sa installation.

Bukod kay Cardinal Advincula hindi rin makadadalo si Papal Nuncio Archbishop Charles Brown dahil sa travel restrictions.

Gaganapin ang installation ni Bishop Pabillo sa St. Joseph Cathedral alas- nuwebe ng umaga na matutunghayan sa Radyo Veritas Ph Facebook page at mapakikinggan sa Radio Veritas 846.

Agosto 5 ng dumating si Bishop Pabillo sa Taytay Palawan na sinalubong ng mananampalataya sa lugar na nasasabik sa pagdating ng kanilang bagong obispo makaraang maging sede vacante ang bikaryato ng mahigit sa tatlong taon makaraang magretiro si Bishop Juanich dahil sa usaping pangkalusugan.

Kasalukuyang sumailalim sa 7-day mandatory quarantine si Bishop Pabillo habang patuloy na naghahanda ang bikaryato sa installation day sa susunod na linggo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 78,310 total reads

 78,310 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 156,508 total reads

 156,508 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,955 total reads

 189,955 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 225,252 total reads

 225,252 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 448,642 total reads

 448,642 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top